^

PSN Showbiz

Jennylyn maghahain ng bagong recipes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagkain ang madalas nating naiisip pero sa paghahanda palang nito o kahit sa pagbili sa restaurant ay isa nang mahirap na bagay. Kaya naman ngayong Disyembre 15, ‘wag nang alalahanin pa ang food planning dahil hindi na ito magiging problema sa hatid ng GMA News TV na DISHKARTE of the DAY.

Sa pangunguna ni Kapuso actress Jennylyn Mercado bilang host, ang programa ay isang 10-minute cooking show na magbibigay sa mga manonood ng “dish-karte” at wais tips sa pagluluto na talaga namang makakatulong sa lahat, lalo na sa mga nanay na laging aligaga sa pag-iisip ng kakainin.

Bilang isang ina, ibinahagi ni Jennylyn ang kanyang excitement dahil sa kabila ng kanyang busy schedule ay nakakapagluto pa rin siya para sa 7-year-old niyang anak na si Jazz.

“Dito, marami ako nalalaman na bagong recipes. Since pihikan si Jazz, yung natututunan ko ina-apply ko sa bahay. Kahit busy ang sched ko ay nakakapagluto ako ng healthy and easy to prepare food for Jazz,” sabi ni Jen.

Bilang ‘break’ sa pag-arte, sinabi rin ni Jennylyn kung paano nakatulong ang show na ito sa pakikipag-usap niya sa tao. “In hosting, mas madali na ako mag-memorize and spontaneous yung flow ng conversation,” sagot ng versatile actress.

Samantala, bukod sa mga katakam-takam na recipes na ihahanda rito ay ang pagkilala rin kay Boom-bae Sam YG at comedian-actor na si Betong bilang co-hosts ni Jen. Bahagi ni Jen, maliban sa celebrity guests na kanyang makakasama, mas na­gi­ging magaan daw ang kanyang pagho-host dahil sa dalawa.

“Bukod sa tips and recipes na puwede nila magamit sa cooking or sa kitchen, nakakatuwa rin kasi may mga co-hosts ako rito. May acting na kasama kaya masaya at mag-e-enjoy ang mga viewers,” masayang sabi ng 28-year-old singer actress.

Ang DISHKARTE of the DAY ay hatid ng CDO Karne Norte.

Sa direksyon ni Roel Anonuevo, aba­ngan ang DISHKARTE of the DAY mula Lunes hanggang Biyernes 8:20-8:30 a.m., 3:00-3:10 p.m. and 7:00-7:10 p.m.; tuwing Sabado at 8:20-8:30 a.m., 3:00-3:10 p.m. and 4:50-5:00 p.m.; at Linggo 12:25-12:55 p.m., 4:50 to 5:00 p.m. and 5:40-5:50 p.m. sa GMA

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with