^

PSN Showbiz

Aktor expert na sa panggagatas sa mga GF!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Magaling talaga ang panlasa sa pakikipagrelasyon ng isang kilalang male personality. Maselan ang kanyang panlasa, kailangang ma­ging makabuluhan ang kanyang panahon sa pakikipagrelasyon, hindi siya pumapatol sa mga taong wala siyang mapapala.

Katwiran ng male personality, tutal naman ay magagamit ang kanyang katawan at pangalan, pipili na siya ng ka-partner na makatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng kanyang kabuhayan showcase.

Kuwento ng aming source, “Hindi na bago ang kuwento, palagi naman siyang ganu’n, mga richie-richie talaga ang pinipili niyang maging girlfriend. ‘Yung may sinasabi sa lipunan, ‘yung mga alta, ganu’n kagaling ang taste niya.

“Palibhasa, e, hindi naman siya lumaking bastante sa buhay, mahirap lang ang pinagmulan niyang pamilya, kaya palagi siyang nangangarap nang gising. Wala siyang pakialam sa sasabihin sa kanya ng iba, ang importante sa kanya, e, kung ano ang lalamanin ng bulsa niya,” agarang komento ng aming impormante.

Nauugnay ang pangalan ngayon ng male personality sa isang kilalang pangalan sa linya ng pagpapaganda. Para sa aming source ay hindi na ‘yun bago, gasgas nang plaka kung tutuusin ang istorya, binalikan nito ang nakaraan.

“Baggggoooo???? Ano ba, galing na siya sa ganyan. Hindi nga ba, naging karelasyong din niya nu’n ang isang famous name sa ganu’ng linya? Ang girl ang sumuko sa relasyon nila.

“Kasi nga, nagsawa ang girl sa mga inilalambing niya. Lahat na lang ng granatsa, e, hinihingi niya, mga branded stuff, sasak­yan at kung anu-ano pa! Magaling ang lalaking ‘yun, kanya ang trono pagdating sa pagiging bilmoko!

“Naloloka ang ex niyang milyonarya dahil pagkatapos niyang kunin ang mga ipinabili niya, e, bigla na lang siyang aalis. May taping pa raw siya, shooting, pictorial, personal appearance at kung anu-ano pang mga dahilan!

“Ayun, bigla na lang siyang hindi na kinakausap sa phone ng milyonarya niyang girlfriend, ayaw na rin siyang makita, kaya naunsiyami ang kanyang mga pangarap na sana, e, mapapasakamay pa niya.

“Hindi na ‘yan bago! Siya ‘yan! Kanyang-kanya talaga ang trono ng pagiging user!” sobrang diin na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga ari-arian gustong solohin ng anak ni Albert? Amalia Fuentes bawal dalawin ng mga kapatid

Nawindang kami sa impormasyong nakarating sa amin tungkol sa pamilya Muhlach na kinabibilangan nina Ms. Amalia Fuentes, Alex at Cheng Muhlach. Nakakalungkot ang kuwento na hindi na pala nadadalaw ngayon nina Alex at Cheng ang kanilang Ate Nena na bedridden na.

At hindi lang ang magkapatid, pati sina Aga, Niño at ang adopted son ng aktres at ni Mr. Joey Stevens na si Jeric ay bawal na ring dumalaw kay Tita Nena.

Bukod du’n ay nag-file na rin ng sole custody ang anak nina Albert Martinez at Liezel na si Alfonso Martinez para ito na ang mamahala sa lahat ng mga ari-arian ng may sakit na aktres.

Nakakabigla at nakakalungkot ang pangyayaring ito. Madaling unawain ang tungkol sa mga properties ni Tita Nena, nag-iisa niyang anak si Liezel, at dahil pumanaw na ang kanyang anak ay puwedeng ang kanyang mga apo ang legal na maging tagapagmana ng kanyang mga ari-arian.

Pero ang nakalulungkot na parte ng kuwento ay ang pagpigil sa mga kapatid ni Tita Nena para siya madalaw at makita. Kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Muhlach, kontra kaninuman ay iisa lang sila, magkakakampi sila sa lahat ng laban.

Si Tita Nena kaya ang nagsabi kay Alfonso na ayaw niyang makita ang kanyang mga kapatid at pamangkin? Kay Tita Nena rin kaya nanggaling ang utos na pati sina Aga at Niño na itinuturing na niyang mga sariling anak ay ayaw rin niyang makita?

Kung sa aktres nagmula ang utos ay walang magagawa si Alfonso, ‘yun ang hiling ng kanyang lolang may sakit, dahil baka kapag kinontra nito ang gustong mangyari ni Tita Nena ay kung ano pa ang mangyari sa kanya.

May lungkot na kakambal ang ganitong kuwento. Mismong mga kapatid na ng may sakit ay hindi puwedeng dumalaw sa kanya? Matindi ang respeto at pagmamahal nina Alex at Cheng sa kanilang ate, sinusunod ng mga ito ang pangaral ng kanilang kapatid, kaya maraming nakikisimpatya sa kanila.

Harinawang maging maayos ang kanilang relasyon, magkakadugo sila, walang ibang makareresolba sa problema kundi sila-sila rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with