^

PSN Showbiz

Bahay ni Paolo kakaiba ang design

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malapit nang lumipat si Paolo Ballesteros at ang pamilya nito sa bahay na ipinatayo niya sa Antipolo City.

Hindi natuloy noong November 29 ang balak ni Paolo na paglipat pero mangyayari na ito sa lalong madaling panahon.

Excited na si Paolo na manirahan sa dream house niya na brown and black ang kulay at kakaiba ang design.

Nakita ko ang picture ng bahay na bunga ng pawis at mga pagsisikap ni Paolo. Isa lang ang masasabi ko, unique at panglalaki ang design ng bahay. So very Paolo talaga na kahit walang lovelife, happy dahil tapos na ang construction ng dream house niya.

Amy parang hindi 56, LT excited maging senior

Sina Amy Austria at Lorna Tolentino ang dalawa sa mga alaga ko na parehong isinilang sa buwan ng December.

Noong December 13 ang 56th birthday ni Amy at sa December 23 naman ang kaarawan ni LT.

Mahirap paniwalaan na 56 years old na si Amy dahil bagets looking siya hanggang ngayon. Mabait at very positive kasi ang mga pananaw ni Amy sa buhay kaya bakas sa mukha niya ang inner happiness.

Pareho sina Amy at LT na mga mukhang bata dahil mga positive thinker sila. Nakakaloka nga si LT dahil magkasing-edad sila ni Amy pero excited na siya na maging 60 years old.

Feeling ko tuloy, type na ni LT na magkaroon ng senior citizen card dahil sa benefits na natatanggap ko. Lugi nga ako dahil hindi na ako mahilig manood ng sine, maliban na lang kung mga pelikula ni Sarah Geronimo ang palabas, kaya hindi ko pa nararanasan ang free entrance sa mga sinehan ng mga senior citizen ng Quezon City tuwing Martes. 

May kakilala ako na senior citizens na hindi puwedeng abalahin kapag araw ng Martes dahil naglalagare  sa panonood ng pelikula sa mga sinehan as in first screening pa lang, nakapila na sila sa box-office.

Good health para kay Pres. Duterte 

Grabe, one week na lang, Pasko na pala. Sa rami ng mga pinagkakaabalahan ko na presscons at Christmas parties, hindi ko naramdaman ang mabilis na pagtakbo ng panahon.

So far, so good ang assessment ko sa entertainment industry ngayong taon at positive ako na magiging bongga rin ang showbiz sa 2018.

Siyempre, more presscons, more rackets at mas maraming mga show para sa mga alaga ko sa 2018  ang prayers ko. Higit sa lahat, good health for everybody at mas bonggang ekonomiya para sa Pilipinas ang pinaka-number one na request ko kay God.

Kuntento ako sa pamamalakad ni President Rodrigo Duterte sa bansa natin kaya sana, bigyan siya ng mabuting kalusugan ni Papa Jesus para matupad ang magagandang pangarap niya para sa bansa natin.

Wish ko rin na magkaroon ng time si Papa Rody para mapagbigyan niya ang request ko thru Secretary Martin Andanar na makaharap siya nang personal ng entertainment press.

Andrea tinatawag na Robin Hood 

Natawa ako dahil Robin Hood ang tawag kay Andrea Torres ng mga tao na nakakahalubilo  niya.

At least, kilala si Andrea ng fans na alam na siya ang leading lady sa natapos na primetime teleserye ng GMA 7.

Marami pala ang may type sa ugali ni Andrea dahil accommodating siya sa fans at always available sa mga photo-op request.

Hinahangaan din ng mga faney ang pag-aalaga at pagmamahal ni Andrea sa kanyang mentally challenged na kapatid. Kahit naman noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, consistent si Andrea sa pagsasabi na para sa kapatid at mga magulang ang kanyang mga pagsisikap na ginagawa kaya left and right ang pagtanggap niya ng mga raket.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with