^

PSN Showbiz

GMA may digital TV signal na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas makulay, mas malinaw, at mas maganda na ang Digital TV signal ng GMA Network sa Mega Manila, dahilan upang mas lalong kagiliwan ng mga Kapuso viewers ang mga inaabangang programa sa GMA at GMA News TV.

Ang mga loyal na Kapuso mula sa buong Metro Manila at sa mga kalapit na probinsya ng Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, at ilang parte ng Pampanga ay maaari nang makapanood ng kanilang paboritong Kapuso shows nang libre mula umaga hanggang gabi sa kanilang digital converter boxes.

Para sa mga Kapuso viewers na may digital TV boxes, mae-enjoy n’yo na ang full digital broadcast ng GMA at GMA News TV in three easy steps. Pindutin ang Menu, pumunta sa Settings, at sa loob Installation piliin ang Auto Search o Auto Scan. Hintaying matapos ang scanning.

Pindutin ang OK o Exit at maaari n’yo nang hanapin ang GMA at GMA News TV gamit ang up and down buttons ng inyong remote control.

Para sa karagdagang katanungan at impo­rmasyon ukol sa digital feed ng GMA, maaa­ring tumawag sa hotline ng GMA DTV 462-8177, mag-email sa [email protected], bisitahin ang @gmatvsignal Facebook page, o maglog-on sa www.gmanetwork.com/digitalhowto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with