^

PSN Showbiz

Aktres nabuko ang koleksyong condom nang masiraan ng sasakyan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nasa wastong edad na ang isang female personality, may karapatan na siyang magdesisyon para sa kanyang sarili, pero kakambal ng kalayaan ang pag-iingat.

?Sa isang malaking vulcanizing shop ay pinag-uusapan ang female personality. Napakasimple lang ng kuwento. Na-flat ang kanyang sasakyan, kinailangang ipa-vulcanize ang gulong, at du’n na nanganak ang istorya.

?Kuwento ng aming source, “Wala naman sanang lalabas na kuwento kung nag-ingat lang si ____(pangalan ng kilalang female personality). Kaso, may kaburaraan siya, hindi nag-iingat, kaya nabuking ng mga tauhan ng vulcanizing shop ang kalokahan niya!

?“Kailangang tanggalin ang gulong na na-flat, nasa likuran ng sasakyan niya ang spare tire, binuksan ang van niya, tumambad sa mga kumukuha ng gulong ang nagkalat na condom.

?“Hindi pa naman gamit ang mga condom, pero isang supot ‘yun na may iba-ibang kulay, ano ang iisipin ng mga nakakita nu’n? Alangan namang isipin nila na ginagawa niyang parang plastic balloon ang mga condom?

?“Natural, ang unang papasok sa utak ng mga makakakita nu’n, e, ang pakikipag-sex ng girl! At least, positive naman ang nasa isip nila. Nagpa-practice ng safe sex ang babaeng naghihintay sa loob ng sasakyan.

?“Pero nandu’n pa rin ang idea na hindi siya nag-iingat. Bakit pakalat-kalat ang supot ng mga condom sa likuran ng van niya? Dapat, e, nasa bag niya ‘yun o kaya, sa isang lugar na hindi makikita ng kahit sino, di ba?” opinyon ng aming impormante.

?Tuloy ngayon, kapag napapanood ng mga nagtatrabaho sa vulcanizing shop ang female persona­lity ay nag-aapiran sila. Naaalala nila ang supot ng condom na nasa likuran ng van ng girl.

?“Heto na. Nu’ng minsang interbyuhin pa naman ang babaeng ‘yun kung ano ang pipiliin niya, sex o chocolate? Ang isinagot niya, e, chocolate daw.

?“Maniniwala ba ang mga vulcanizing boys sa isinagot niya, e, condom ang nakita sa sasakyan niya, hindi naman tsokolate? Nakakaloka ang babaeng ‘yun, hindi siya nag-iingat!

?“Sige, okey lang na woman of the world siya, liberated siya, pero siyempre, sa isang simpleng pagkakataon lang, e, puwede na siyang pagpistahan dahil sa pagiging burara niya!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Sue minura ang matandang nakaagawan sa parking

Natiyempuhan si Sue Ramirez. Kung kailan naman gumaganda ang kanyang career dahil sa mga serye niya sa ABS-CBN ay saka naman nakaladkad ang kanyang pangalan sa social media na ang tema pa naman ay kawalan ng respeto sa kanyang kapwa.

?Pag-uunahan sa parking ang pinag-ugatan ng kuwento. Naunahan si Sue ng isang sinkuwenta’y uno anyos na babae. Ayon sa ating kababayan ay kitang-kita nito nang buksan ni Sue ang bintana ng kanyang sasakyan na ang kasunod ay ang pagdi-dirty finger sa nakauna sa kanya sa parking.

?Inilitanya nito sa FB ang pangyayari, pinagpipistahan na ‘yun ngayon, naging negang-nega ang imahe ng aktres sa pagkakalahad sa kuwento ng kanyang nakaengkuwentro.

?Maganda ang pagkasalansan ng mga salita ng nag­rereklamo, pero tumatalab, sa minsanang pagbasa ay mahuhusgahan agad si Sue Ramirez. Pinutakti tuloy siya ng mga komentong hindi katanggap-tanggap.

?Ayon sa nag-post ay walang karapatan ang kahit sinong artista, gaano man siya kasikat, na ngaratan ang kahit sino lalo na kung mali naman ang kanyang ipinaglalaban.

?Sa puntong ganu’n, hindi man eksakto ang pagkakakuwento ng nagrereklamo, ay talo na agad sa husgado ng bayan ang artista. Tiniti­ngala kasi sila, itinuturing na huwaran, pagkatapos ay masasangkot sila sa isyu ng kawalan ng respeto sa kanilang kapwa.

?Nagagandahan kami kay Sue Ramirez, malaki ang pagkakahawig niya kay Alice Dixson, nasisilip namin siya paminsan-minsan sa kanyang mga serye at magaling siyang umarte.

?Sayang lang dahil kung kailan naman bumabango na ang kanyang career ay saka pa lumutang ang ganitong kuwento. Dahil sa social media ay napakanipis na talaga ng posibilidad ng hinihinging kapribaduhan ng mga artista.

?Lahat-lahat ng mga pangyayaring kinapapalooban nila ay nagiging pampublikong isyu na. At nahuhusgahan sila nang walang kalaban-laban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with