^

PSN Showbiz

Dahil sa buhok Kylie napagkakamalang si Sadako!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Coco niyanig ang mga palengke!

SEEN: Wala nang tatalo sa sipag ni Coco Martin sa pagpo-promote ng Ang Panday. Matapos ang provincial tour niya, binulabog kahapon ni Coco ang mga tao sa mga palengke ng Nepa Q-Mart, Muñoz at Balintawak. Nagsara ang mga kalye na dinaanan ng motorcade ni Coco at ng kanyang mga kasama.

SCENE: Nawala ang konsentrasyon ni Vic Sotto sa pagkanta dahil napahalakhak siya sa sinadya na pangi­nginig ng boses ni Baste. Ang dalawa ang featured guests sa concert kahapon ng The Broadway Boys sa Eat Bulaga dahil ipino-promote nila ang Meant To Beh, ang official entry ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2017.

SEEN: Si Dawn Zulueta ang leading lady ni Vic Sotto sa Meant To Beh. Si Dawn ang nagbitaw ng linya na “We’re not meant to beh” sa Meant To Beh.

SCENEL: Walang dialogue at hindi napansin si Phoebe Walker sa mga eksena niya sa Ang Panday. Si Phoebe ang best supporting actress ng Metro Manila Film Festival 2016 dahil sa performance niya sa Seklusyon.

SEEN: Pinatay na noong Biyernes ang karakter ni Enzo Pineda sa Pusong Ligaw ng ABS-CBN kaya nagtatanong ang kanyang mga tagahanga kung bibig­yan pa siya ng bagong project ng Kapamilya Network.

SCENE: Si Kim Rodriguez ang gumanap na Isabel Granada sa love story nina Isabel at Arnel Cowley na napanood kagabi sa episode ng Wagas ng GMA News TV. Ginampanan ni Benjamin Alves ang role ni Arnel. Napaiyak ang tunay na Arnel sa panayam sa kanya tungkol sa pagmamahalan nila ni Isabel.

SEEN: Ngayong artista na siya, dapat mag-experiment si Kylie Verzosa sa kanyang hairdo para hindi na siya ikinukumpara kay Sadako Yamamura dahil sa mahaba at makapal na buhok niya. Si Sadako ang kinatatakutan na karakter sa horror movie na The Ring.

SCENE: Sa January 24, 2018 ang cinema playdate ng Mr. & Mrs. Cruz, ang pelikula nina JC Santos at Ryza Cenon na kinunan ang mga eksena sa Palawan. Co-production venture ng Viva Films at The Idea First Company ang Mr. & Mrs. Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with