^

PSN Showbiz

Coco may alas!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala sa mga dumalo sa celebrity screening ng Ang Panday na ginanap sa Cinema 4 ng Trinoma ang hindi humanga sa kahusayan ng direksyon ni Coco Martin ng obra maestra ni Carlo J. Caparas.

Sinimulan ni Fernando Poe, Jr. ang pagbibigay buhay sa panday na si Flavio at ang mahiwaga niyang espada. Sinundan pa ito ng mga matagumpay na performances nina Bong Revilla, Joey de Leon, at Jericho Rosales naman sa TV.

Sa pinakabagong bersyon na ginawa para sa millennials, mapapanood hindi mismo si Flavio kung hindi ang apo niya na naatasan ng napakahirap na misyon na iligtas ang mundo sa pamumuksa ni Li­zardo. Ang paghaharap nilang muli ang highlight ng pelikula sa gitna ng napakagandang cinematography at nakakahawang musical score.

Ang galing ng pagkaka-handle ni Coco ng direksyon ng pelikula. Ang genre ng fantasy na iniwan ni Bossing Vic Sotto para sa entry niyang Meant To Beh sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay matagumpay na naipagpa­tuloy ni Coco sa Ang Panday. Naroon pa rin ang pamilyar na mga mukha sa Ang Probinsyano, pero iba na ang characters nina Albert Martinez, Onyok Pineda, Agot Isidro, Eddie Garcia, Jeric Raval, Michael de Mesa, Sen. Lito at Mark Lapid, Jaime Frabregas, Awra Briguela, Arjo Atayde at ang iba pang bata ng AP, pero mga pulis pa rin ang grupo na pinamumunuan ni John Prats. Iisa ang love interest ni Flavio na ginagampanan ni Mariel de Leon. Isang diwata naman ang role ni Kylie Verzosa na tumulong para mahanap ni Flavio ang espada. Ang galing din ni Jake Cuenca. Bagay silang magkalaban ni Coco. Wala man si Susan Roces, pero naroon si Gloria Romero bilang lola.

Magagawang mapasaya ng Ang Panday ang mga manonood ng pelikula sa Pasko, ang mga bata, matatanda, mga miyembro ng LGBT, at buong pamilya. Ramdam din at kitang-kita ang malaking budget na inilabas ni Coco bilang producer para mapaganda ang movie. Hindi talaga siya nagtipid para masiguro ang kagandahan nito. Napakaganda ng emosyonal at nakakaiyak na eksena nila ni Awra.

Sa laki ng ginastos niya sa Panday ay nagawa pa rin ni Coco na magsingit ng Christmas party para sa press bilang pasasalamat sa patuloy nilang suporta sa mga proyekto niya. Merry Christmas din sayo, Coco.

Salamat, Kapamilya

Napakasaya ng Christmas party para sa entertainment press and bloggers ng ABS-CBN. Kasing saya ng party ni Coco at kasing dami rin ang ipinamigay na cash at loot bags. Hindi magkandadala ang lahat ng dumalo. At kahit dadalawa lamang ang games na sinalihan ng mga miyembro ng press, sulit naman sa saya ang mga humula ng real at pekeng singer sa I Can See Your Voice. Patok din ang mga sumaling kandidata mula sa press para sa Miss Q&A. Nahirapan ang mga bumotong kasamahan  dahil lahat ay magkakasama sa trabaho at magkakaibigan. Nanalo ang isang blogger at teacher ng St. Benilde. Salamat, Kapamilya.

Jasmine hindi pa rin Kapamilya

Sinabi ni Jasmine Curtis Smith na hindi pa naman siya isang Kapamilya, pero pinapayagan ng TV5 na makalabas at makapag-guest sa mga palabas ng Kapamilya. Akala ng lahat ay join na siya sa sister niya sa ABS-CBN. Marami nga ang nagugulat kapag nalalaman nilang kasama siya sa Siargao nina Jericho Rosales at Erich Gonzales na idinerek ni Paul Soriano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with