^

PSN Showbiz

Mariel hindi naka-score kay coco

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay debuting as a movie actress sa pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad na pinagsasamahan nila nina Vice Ganda at Daniel Padilla, ang 2016 Miss International na si Kylie Verzosa at 2017 Bb. Pilipinas-International na si Mariel de Leon ay first time din sa movie sa pamamagitan ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kung puring-puri ni Pia ang kanyang co-stars, ganoon din ang pakiramdam ng mga first timers sa movie na sina Kylie at Mariel dahil sobra umanong maalaga si Coco sa bumubuo ng cast.

Nanghihinayang nga lamang ang marami na walang kissing scene sa pagitan nina Coco at Mariel na magkasintahan ang papel sa movie.

Dawn nakikipaglaro kay Baeby

Hindi ikinakaila ni Dawn Zulueta na sobra umano siyang nag-enjoy sa movie nila ni Vic “Bossing” Sotto, ang Meant to Beh dahil nakakatuwa at napaka-light ng kanilang mga eksena at tuwang-tuwa sila sa cute na si Baeby Baste.

During breaktime ay naglalaro sila ng jack en poy hango sa popular segment ng Eat Bulaga, ang Jackpot en Poy kung saan magaling si Baeby Baste. Wala umanong dull moments habang ginagawa nila ang pelikula at masaya parati sa set.

Echo gustong bumawi kay Jennylyn

Ipinaliwanag ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales na hindi umano siya nag-back out sa pelikulang All of You na balik-tambalan sana nila ni Jennylyn Mercado sa bakuran ng Quantum Films and Globe Studios with Direk Dan Villegas at the helm dahil mas pinili at pinaboran niya ang pelikulang Siargao na pinagsasamahan naman nila nina Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith mula sa direksyon at production ng mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano.

Ayon kay Jericho, gustung-gusto niyang gawin ang All of You pero nataon ito sa kanyang pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ama na sobra niyang dinamdam at ayaw niyang mag-suffer ang movie dahil sa kanyang pinagdaraanan noon.

Ganunpaman, willing pa rin siyang muling gumawa ng movie with Quantum Films, Direk Dan Villegas, and Jennylyn.   Sina Jericho at Jennylyn ay nagtambal sa 2015 MMFF hit and critically-acclaimed movie na #WalangForever.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with