^

PSN Showbiz

Jake binigyan ng bagong atake si Lizardo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Lupa sa Tagaytay City ang Christmas gift ni Sanya Lopez sa sarili. Binili ni Sanya ang property nang matapos ang Encantadia noong May 2017.

Scene: Maligaya si Sanya Lopez dahil extended hanggang sa third week ng January 2018 ang afternoon teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan niya, ang Haplos.

Scene: Effective na kontrabida si Jake Cuenca sa Ang Panday dahil nakakabuwisit ang acting niya. Binigyan ni Jake ng bagong atake ang karakter ni Lizardo.

Seen: Apo ng original Panday ang role ni Coco Martin sa pelikula niya na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017 pero Flavio pa rin ang kanyang ginamit na pangalan.

Scene: May sariling mga moment sa Ang Panday ang young gay actor na si McNeal Briguela. Hindi malayo sa tunay na pagkatao niya ang role ni Briguela sa filmfest movie ni Coco.

Seen: Walang denial o confirmation si Jasmine Curtis Smith sa balita na lilipat siya sa ABS CBN. Sinabi ni Jasmine na napapadalas ang kanyang mga guesting  sa mga programa ng ABS-CBN dahil sa pelikula na kasali sa MMFF 2017 na ipino-promote niya, ang Siargao.

Scene: On hold muna ang Italy honeymoon ng newly weds na sina Pancho Magno at Max Collins dahil sa kanilang mga commitment. May tapings pa si Pancho para sa Haplos at busy din si Max sa tapings ng The One That Got Away.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with