^

PSN Showbiz

Piolo hindi pabor kung maggagamitan lang sina Inigo at Maris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May espesyal na umanong ugnayan ngayon sa pagitan nina Maris Racal at Inigo Pascual. Pagdating sa usaping pag-ibig ay hindi raw pinakikialaman si Inigo ng amang si Piolo Pascual.

“Labas na tayo riyan. He’s of age already. He’s 20 years old. I want him to be able to know kung para sa kanya ba ‘yun. I don’t want to be a stage father. I want him to explore and see the world. I want him to experience life. He knows that I always got his back. That’s all that matters,” makahulugang pahayag ni Piolo.

Wala raw problema sa aktor ang pakikipagrelasyon ng anak basta nakikita niyang masaya ang binata. “As long as they are both happy, as long as walang gamitan, as long as they are not misleading each other, as long as totoo sila sa isa’t isa, ‘yon naman ang importante. Napaka-cruel ng trabaho natin. The most important thing is for you to be on the same page para walang sakitan,” paliwanag ni Piolo.

Naipakilala na kaya ni Inigo si Maris sa ama? “We have just been hanging out. We haven’t really hang out with family or anything. My dad met her sa PBB (Pinoy Big Brother) pa lang. I was still in the States. It’s kind of cool,” nakangiting pahayag ni Inigo.

Xian maghuhubad na rin para umusad ang career?!

Naging maganda ang takbo ng career ni Xian Lim ngayong taon kaya malaki ang pasasalamat ng aktor. Bukod sa bagong album at mga concert ay nakasungkit din si Xian ng tatlong acting awards para sa pelikulang Everything About Her ngayong 2017.

“Kasi no’ng 2016, ang dami kong questions eh. Parang ano nga ba talaga? Parang you do this type of project pero you don’t know if you’re getting recognized. Hindi ko alam kung tama ba ‘yung ginagawa ko at that time. Pero ngayong 2017, I think no’ng nabigyan po ako ng recognition (sa acting), I think that’s one of the highlights talaga. Marami naman pong nangyari, concerts and different projects pero no’ng nabigyan po ako ng recognition sa acting, ‘yung dinadala ko na pagkabigat-bigat ay parang nabawasan dahil do’n,” pagbabahagi ni Xian.

Sa pagpasok ng 2018 ay may ilang mga proyekto na ang nakatakdang gawin ng aktor. “I think sa 2018, I want to be able to do more projects and keep on proving myself na I got what it takes kumbaga, I will just keep on doing what makes me happy,” giit niya.

Sa bagong pelikula ng Star Cinema ay magpapakita raw ng katawan si Xian. “Nagawa ko na naman siya no’ng time ng The Story of Us. Hindi naman na ako bago sa gano’n at saka meron pong element ng tubig dito sa pelikula. Medyo kailangan lang talaga,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with