^

PSN Showbiz

Kaya good karma, Coco generous!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inggit na inggit ako sa mga invited sa Christmas party for the press ni Coco Martin at sa special preview ng Ang Panday sa Trinoma Cinema noong Huwebes.

Type ko pa naman na mag-watch ng Ang Panday dahil na-remember ko sina Kuya Ronnie Poe, ang original Panday at si Bong Revilla, Jr., aside from Coco Martin na love ko rin.

Sana, inimbitahan ako ni Biboy Arboleda, ang manager ni Coco. Sana, nagkita kami ni Coco para feeling belong din ako.

Ang gaganda ng reviews na naririnig ko tungkol sa Ang Panday at ang saya-saya raw ng Christmas party dahil malalaking datung ang ipina-raffle ni Coco, saka bongga ang laman ng loot bags.

Imagine, P20,000 ang grand prize sa raffle draw ng ABS-CBN sa Christmas party nila para sa entertainment press pero sa party ni Coco, tumataginting na P100,000 ang grand prize! May nag-win din ng P50,000, P20,000, P10,000, P3,000 at P2,000! Bonggang-bongga ‘di ba?

Sa sobrang generous ni Coco, kahit hindi Pasko, good karma talaga siya!

Hindi naman nagtagal ang  pagkainggit ko dahil kahapon, alam mo ba Salve A., pagdating ko sa Bambbi Fuentes Salon ay nandoon na ang loot bag, Jo Malone at envelope na mula kina Biboy Arboleda at Coco Martin.

Fast result ang complain ko na hindi ako invited sa preview presscon ng Ang Panday.

Hay, so lucky talaga to have friends na concern sa happiness mo. Alam ni Dolor Guevarra na nainggit ako kay Salve na nagpunta sa Trinoma kaya nag-message siya kay Biboy na fast worker naman.

Thank you Coco at Biboy, you made my day.

Alden walang reklamo kahit ginawang ‘photographer’

Malayo na talaga ang narrating ni Coco, isang artista na mahusay makisama kaya mahal ng mga katrabaho niya.

Magkatulad sila ni Alden Richards na gustung-gusto ng mga kasamahan nila sa trabaho kasi mabait at marunong makisama at hanggang ngayon, hindi nagbabago.

Marunong sila na mag-share ng mga grasya na natatanggap nila. No wonder, malapit sa kanila ang suwerte dahil mabait sila. Hay naku, hahanapin ko si Biboy para matanong ko siya kung bakit hindi ako invited sa special screening ng Ang Panday.

At dahil nabanggit ko rin lang si Alden Richards, alam n’yo ba na siya ang nilapitan ng fans sa kasal nina AiAi delas at Gerald Sibayan?

Super pa-picture ang fans kay Alden na pinagbigyan ang lahat ng mga photo op request. I’m sure, kitang-kita ng ibang mga artista na si Alden ang pinagkakaguluhan ng fans na dedma sa kanila. Approachable at very positive kasi ang aura ni Alden. Hindi nai-intimidate ang mga tao na lumapit sa kanya.

Ang bait talaga ni Alden. Imagine, nilapitan siya ng mga reporter na nag-request na magpa-picture. Pumayag agad si Alden, kahit sinabi ng mga reporter na siya lang ang hahawak sa kamera at kukuha ng litrato pero hindi siya kasama sa photo-op. Kakaiba siya ‘di ba?

Carlo J. Caparas sa Cebu na naka-base

Bago ko makalimutan, let me remind everybody na walang Panday kung wala si Carlo J. Caparas.

Si Papa Carlo ang creator ng Panday na ginawang immortal ni Kuya Ronnie sa mga blockbuster movie nito.

Isang henyo si Papa Carlo dahil naisip niya na magsulat ng nobela tungkol kay Flavio, ang Panday na sinubaybayan ng milyun-milyong Pilipino noong uso pa ang komiks.

Cebu-based na si Papa Carlo kaya wala siya sa special screening ng Ang Panday ni Coco Martin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with