^

PSN Showbiz

Ellen at John Lloyd inaalam naang gender ng anak

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ellen at John Lloyd inaalam naang gender ng anak

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Hindi lang daw ordinary check-up ang ipinunta nina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna sa St. Luke’s Medical Center - Global City two days ago. Nagpa-ultra sound daw si Ellen.

Pero hindi alam ng source na nagpadala ng photos nila sa nasabing hospital kung iniaalam na nila ang gender ng magiging baby nila na hanggang ngayon ay walang official statement tungkol sa tunay na kalagayan ng dating sexy actress.

Inulit lang ng source na super sweet sina John Lloyd at Ellen sa hospital habang naghihintay ng turn ni Ellen hanggang sa matapos sila.

Piolo Pascual with Chinese-American actress Celina Jade and Chinese-Canadian actor Ludi Lin at the Cultural Centre Macao for the 2nd International Film Festival and Awards Macao Cultural Centre.

Piolo nakasama sa listahan ng 10 Asian Star: Up Next sa Macao!

Wow, congrats  Piolo Pascual na pinarangalan bilang isa 10 Asian Star: Up Next ng Variety Magazine at International Film Festival and Awards Macao (IFFAM).

Proud na tinanggap ng aktor ang award sa ginanap na 2nd International Film Festival and Awards Macao last December 14 at the Macao Cultural Centre.

Nakahanay ng A-lister Kapamilya leading man sa nasabing pagkilala ang Arrow actress na si  Celina Jade and Power Rangers Reboot actor Ludi Lin, ganundin ang Bollywood star na si Rajkummar Rao, Detective Conan Live Action star Shioli Kutsuna, Bad Genius star Chutimon Chuengcharoensukying and Okja actress Ahn Seo-hyun.

Ang mga pinarangalan ay ang sinasabing Asia’s hottest and most deserving talents who have brought pride to their respective countries.

Coco at Kylie

Special effects ng Panday sa Vietnam ginawa

Grabe, sa Vietnam pa pala ginawa ang special effects sa may bandang ending ng pelikulang Ang Panday na dinirek at pinagbidahan ni Coco Martin. Isa rin siya sa mga producer.

Hindi na raw kasi aabot kung dito sa atin ipo-process dahil nga sa binigay na deadline ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ayon kay Deo Endrinal, manager at in charge ng film production ni Coco.

Kaya naman malaki raw ang talaga naging budget nila, dahil sa nasabing special effects pa lang ilang milyon na ang halaga.

Ito ‘yung eksenang nakikipagbakbakan si Coco sa buhanginan. Ang husay nga naman ng special effects and cinematography.

Kasama ang nasabing eksena sa mga aabangan ng mga bata sa Pasko.

Kitang-kita sa pelikula ang laki ng gastos sa production kaya hindi lugi ang mga manonood nito simula December 25.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with