^

PSN Showbiz

Katrina dinapuan ng malubhang karamdaman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maayos na pamilya, makapagtapos ng pag-aaral, maayos na trabaho, malusog na pangangatawan. Ilan lamang ‘yan sa mga kahilingan natin hindi lang sa sarili kundi para na rin sa pamilya lalo na’t papalapit ang Kapaskuhan. Ngunit paano kung dapuan ka ng isang sakit na siyang hahadlang para ang mga pangarap mo ay makamtam?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang Pa­mas­kong handog na totoong kuwento ng pag-asa, pag-ibig, at pa­na­­nampalataya.

Itinatampok sa episode na pinamagatang My Christmas Lu­llaby: The Loida Bauto Story si Katrina Halili bilang si Loida. Makakasama rin sina Rodjun Cruz, Glenda Garcia, Sharmaine Santiago, at Arra San Agustin.

Si Loida ay isang consistent honor student hanggang siya’y magkolehiyo. Nakahanap din siya ng maayos na trabaho ngunit dahil sa pagkakaroon ng matinding karamdaman ay nagbago ang noo’y maliwanag niya sanang kinabukasan.

Mula sa direksyon ni Dominic Zapata, alamin ang kuwento ni Loida nga­yong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with