^

PSN Showbiz

Sharon hindi na interesadong makatrabaho si Gabby!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ihip ng hangin naiba

Kung kailan handa na si Gabby Concepcion para gawin ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta ay saka naman tila si Mega ang nawawalan ng panahon. 

Pagkatapos ng ma-certify na isang box-office hit ang Unexpectedly Yours nila ni Robin Padilla ay saka naman nag-anunsyo ang Star Cinema na pagagawin nila ng follow-up movie ang nagbabalik na aktres at ang action star. 

Hindi naman maaaring unahin ni Mega ang pagiging available ni Gabby dahil nakakita ang manonood at maging ang Star Cinema ng isang potential box-office tandem kina Mega at Binoe. Sasayangin ba nila ang magandang pagkakataon na makagawa muli ng isang matagumpay na pelikula para sa dalawa?

Sayang talaga, pero baka si Gabby naman ang kinakaila­ngang maghintay ngayon para na­man makasama si Sharon.

Ate Vi nagpaliwanag sa pag-absent sa kasal ni AiAi

Nagpaliwanag si Cong. Vilma Santos sa mga taga-Philippine Movie Press Club (PMPC) na nag-caroling sa kanyang opisina sa Congress na hindi maganda ang pakiramdam niya nu’ng araw ng kasal nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan kung kaya hindi siya nakasipot kahit pa isa siya sa mga ninang.

Ipinaalam niya ito kay AiAi at naintindihan naman siya kaya nagtataka siya kung bakit may nalilikhang intriga. Isa lang ‘yung simpleng pagkakasakit na kinaila­ngang ipahinga para hindi na lumubha. Nagkasundo na­man sila ni AiAi na lumabas kasama ang kanilang mga asawa kapag nag-settle down na ang excitement ng mga ikinasal.  

Beking napilitang maging fashion designer sikat na sikat na

Kuwento ng isang ma­ta­gumpay at kinikilala ngayon sa bansa na fashion desig­ner ang episode bukas sa Maalaala Mo Kaya na nagtatampok kina Patrick Sugui, Ynigo Delen, Angelo Ilagan, Zaijian Jaranilla, Dominic Ochoa, Alec Bovic, Mico Aytona, Marc Acueza, Axel Torres, Alex Diaz, Sarah Carlos, at Mikee Agustin. 

Tungkol ito sa magkapatid na beki na may magkaibang pangarap sa buhay. Si Bryan ay gustong sumikat bilang isang fashion designer sa­mantalang pagiging isang flight attendant naman ang inaambisyon ni Rey. Nagsisimula nang makilala si Bryan nang mabaril ito’t mapatay. 

Kinailangang mag-take over ni Rey sa negosyo ng kanyang kapatid para sila mabuhay. Kahit hindi niya alam ang pasikut-sikot ng fashion designing ay nag-aral siya para hindi masayang ang ipinundar ng kapatid niya. Kinailangan pa niyang pumunta ng London para mag-aral. Isa na siya ngayong ipinagmamalaking fashion designer ng bansa, magaling, matalino, at nagbibihis ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas at sa ibang bansa. 

Mula ito sa direksyon ni Raz dela Torre at isinulat ni Akeem del Rosario. 

Boyband PH ayaw pang magkanya-kanya

Isang taon pa lamang ang Boyband PH pero nararamdaman na ngayon ang kanilang kasikatan. May mga tinatanggap na solo project ang ilan sa kanila na labis na ikinatatakot ng kanilang followers dahil baka magsilbing threat para maghiwa-hiwalay ang grupo. Pero sinabi ng grupo na hindi ito mangyayari. Maaga pa para sila magkahiwalay. Pasisikatin muna nila ang Boyband PH bago sila tumanggap ng solo projects. Hindi rin sila tatanggap ng magkakahiwalay na assignment.

Palaging isang grupong magpi-perform sina Ford Valencia, Joao Constancia, Niel Murillo, Russel Reyes, at Tristan Ramirez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with