^

PSN Showbiz

Dahilan ng pangangayayat ni Jasmine ibinuko ng BF!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nadiskubre namin kung bakit sa STKD Zeppelin sa Pasig ginawa ang presscon ng Siargao. Co-ow­ner kasi nito ang BF ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega na present din sa presscon. Nag-swak sa movie ang lugar na tindahan pala ng pang-surfing at ma­mahaling motorsiklo.

Nakita namin ang P36,000 price tag ng isang surf board na mura pa sa lagay na ‘yun. At ang nakakalula, half a million pesos ang worth ng mga naka-display na motorcycle.

Bukod pa rito ay may surfing school sa La ­Union at iba pang business si Jeff, kaya mahihiya ang mga nag-aakalang walang pinagkakaabalahan si Jeff. He’s not an Ortega for nothing.

Kay Jeff na rin namin itinanong kung bakit namayat si Jasmine at sagot nito ay dahil kasama ang ak­tres sa nagplano ng wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Erich nahanap na ang sarili

Malulutong naman ang halakhak ni Erich Gon­zales sa presscon ng Siargao. Parang halakhak ‘yun ng naka-move on na sa pinagdaanang heartbreak.

Inamin naman ni Erich na habang nasa shooting siya ng Siargao, nagkaroon siya ng “me time” at nakapagmuni-muni. 

Sabi pa ng aktres, “I was trying to find myself.”

“I learned to let go of negative vibes at nag-decide ako na mahalin ang sarili ko. Ako naman this time,” sabi ni Erich.

Anyway, sabi ni Erich, isang malaking karanga­lan sa kanya na makapareha si Jericho Rosa­les sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Ten17P Productions dahil haligi na raw sa industriya ang aktor. Ang dami niyang natutunan kay Jericho at isa na roon ang pagmamahal sa craft.

“Sa first scene namin, nagdasal ako at sabi ko gabayan ako para hindi magkamali dahil nakakahiya. Ang lalim ni Jericho, pero super cool at itinuro rin niya to just enjoy the moment dahil hindi natin alam ang future natin,” kuwento ni Erich.

“Romance destination movie” naman ang description ni direk Paul sa Siargao at kaya ito ang napili niyang location for his first MMFF film ay dahil may koneksyon siya. Dagdag pa nito, untouched at orga­nic ang Siargao at sana nga ay hindi maging commercial kahit paboritong puntahan ng mga turista lalo na ng surfers.

Derek at Jennylyn may pakaraoke sa Pasko

May pa-Karaoke Singing Contest ang All Of You at ang mananalo ay magkakaroon ng ticket sa block screening ng entry ng Quantum Films sa MMFF. “Jen and I will be there with you,” wika ni De­rek Ramsay sa mga mananalo sa Karaoke singing contest.

May eksena kasi sa All Of You na kinanta ni Jennylyn Mercado ang theme song na Dying Inside at sinabayan pa ni Derek. Parang first time kumanta sa pelikula ng aktor at first time rin nilang mag-duet ni Jennylyn.

Ang mga sasali sa Karaoke Singing contest ay maaaring mag-post sa Facebook gamit ang hashtag na #AllOfYouDyingInside at #AllOfYouKaraoke at i-tag ang Quantum Films. Tatlo ang mananalo at makakasama nina Derek at Jennylyn sa block screening sa December 25, na opening mismo ng Metro Manila Film Festival. 

Klea malakas ang laban sa Saipan 

Nasa Saipan ngayon ang GMA Artist Center ta­lent na si Klea Pineda para lumaban sa Asian Supermodel Contest. Sa mga photos na naglabasan, malakas ang laban niya sa ibang contestants. 

Walang detalye tungkol sa contest, tulad ng dami ng kalahok at kung kailan ito nag-start. Bago umalis ng bansa, pinag-meet ng GMAAC sina Klea at Bb. Pilipinas-Universe 2013 Ariella Arida para magbigay ng tips na magagamit ng dalaga sa competition. 

Isa si Klea sa GMAAC talent na hindi lang pang-showbiz, puwede rin siyang model at beauty queen dahil maganda, matangkad, at morena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with