^

PSN Showbiz

FPJ hindi pa rin malimut-limot sa mga nagawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahit 13 years nang wala

Ginunita kahapon nina Susan “Manang Inday” Roces at Senator Grace Poe ang 13th death anniversary ni Fernando Poe, Jr.

Maaga na nagsadya sa puntod ng King of Philippine Movies sa North Cemetery ang mag-ina para sa Holy Mass. Taun-taon, si Fr. Larry Faraon ang nagdaraos ng misa para kay Kuya Ron.

Pagkatapos ng misa na dinaluhan ng pamilya, malalapit na kamag-anak at fans, namigay ng mga regalo sina Manang Inday at Senator Grace sa mga kababayan natin na less-fortunate. May kasama na Santa Claus ang mag-ina na tumulong sa kanila sa pamamahagi ng mga Christmas gift na inihanda nila.

Thirteen years na ang nakalilipas buhat nang pumanaw si Kuya Ron pero buhay na buhay ang mga alaala niya. May mga tagahanga siya na hindi pa rin matanggap na pumanaw na ang action superstar na hindi na mapapantayan ang achievements at hinding-hindi mapapalitan bilang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Alfred walang mintis sa pagreregalo ng poinsettia

Napapaligiran ng mga fresh poinsettia ang puntod ni Kuya Ron sa North Cemetery kaya Paskong-Pasko ang atmosphere sa libingan niya.

Tuwing Pasko, poinsettia ang paborito ko na dekorasyon sa bahay ko at every year, never na nakalimot si Alfred Vargas na magpadala sa akin ng favorite plant ko.

For this Christmas, malalaking poinsettia plants ang natanggap ko mula kay Alfred kaya tuwang-tuwa ako. Malakas maka-Pasko ang poinsettia plants. Parang kulang ang Pasko ko kapag wala akong nakikita na poinsettia plants sa pamamahay ko.

Kahit naka-confine, Claudine hinusgahan agad sa P200

Mahirap talaga ang maging artista dahil kahit may sakit ka, pagpipistahan ka ng mga tsismoso at tsismosa tulad ng nangyari kay Claudine Barretto na nagpapagaling pa lang mula sa cyst operation pero isinumbong kay Raffy Tulfo ng yaya ng kanyang anak dahil lang sa P200.

Mabuti na lang, naging sensitive si Papa Raffy sa plight ni Claudine. Nang malaman niya na naka-confine pa ang aktres sa ospital, tinapos ni Papa Raffy ang interview sa yaya na nagrereklamo na yaya ang pinasukan niya, hindi tagapag-alaga ni Claudine sa ospital.

Hindi naging parehas ang yaya. Bago siya nagreklamo, dapat na inunawa muna niya ang kalagayan ni Claudine. I’m sure, may sagot si Claudine sa reklamo ng yaya na wala pang tatlong linggo na namamasukan sa kanya. Bago husgahan si Claudine, hintayin muna natin ang paliwanag niya tungkol sa reklamo ng yaya.

Fans Inili-link si Sophia kay Alden!

Mema lang ang mga basher dahil pati ang innocent post ni Sophia delas Alas tungkol kay Alden Richards, binigyan ng malisya at ibang kahulugan.

Si Sophia ang one and only daughter ni AiAi delas Alas na maid of honor sa church wedding ng nanay niya at ni Gerald Sibayan.

Best man naman si Alden kaya si Sophia ang partner niya sa wedding march Nang i-post ni Sophia sa social media ang picture together nila ni Alden sa Christ The King Church, pinaratangan siya na may gusto sa aktor.

Masyadong ilusyonada ang obsessed fans dahil may pralala pa sila na kiyeme-kiyeme na tina-target talaga ni AiAi na maging dyowa ni Sophia si Alden. May ganoon agad?

Actually, hindi kapatul-patol ang emote ng selosang fans dahil hindi na ito makatotohanan. Nakakatawa lang at nagmumukha silang mga pathetic dahil sa mga isyu na iniimbento nila.

Pati ang walang kamali-malisya na Instagram post ni Sophia, nilagyan nila ng masamang kulay. Ganyan kakitid ang kanilang mga pag-unawa at sa mga ganitong pagkakataon, sila ang may problema, hindi si Sophia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with