^

PSN Showbiz

Deadma Walking Dark Horse!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maituturing na dark horse sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang entry ng T-Rex Entertainment na Deadma Walking na nagtatampok kina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman na tungkol sa magkaibigan na naging matapat sa isa’t isa sa buhay at kamatayan.

Magkaibigan sa tunay na buhay ang dalawang bidang aktor. Naging back-up dancer ni Joross si EA nung panahon ng Star Circle nang una na nagsimula ng kanilang friendship na umabot hanggang ngayon. Kaya bagay silang magkasama at mararamdaman ng manonood ang chemistry nila.

Nakuha sina Joross at EA, pero pinalibutan sila ng isang hindi matatawarang cast na binubuo nina Candy Pangilinan, Nico Antonio, Vin Abrenica, Bobby Andrews, Bing Pimentel at Dimples Romana bilang ate ni John (Joross).

May cameo appearances sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Iza Calzado, Eugene Domingo, mga direktor na sina Marlon Rivera at Joel Lama­ngan. Pumayag ang mga nabanggit na artista na iendorso ang paglulunsad ng karera nina Joross, Edgar Allan at ng direktor ng movie na si Julius Alfonso.

Kung pagkakaibigan ang sentro ng pelikula, friendship din ang nasa likod ng pagkakasama nina Rivera at Lamangan na 20 taong nakatrabaho ni direk Julius.

Beshie rin ni Julius sina Eugene, ang musical director na si Von de Guzman, production designer Angel Diesta, editor at producer Vanessa de Leon na pumayag tulungan si direk Julius sa kanyang kauna-unahang pagdidirek.

Sa mga trailer na napapanood ngayon sa mga sinehan, marami ang nagsasabi na isang dark horse ang Deadma Walking sa MMFF 2017. At kapag nagpatuloy ang kanilang magandang kapalaran, baka magbigay ito ng malaking sorpresa sa takilya.

Maine kailangan nang bumalik

Kailangan ay bumalik na agad si Maine Mendoza para makasama sa live presentation ng Eat Bulaga sa 2018 kung hindi ay baka matabunan na siya ng napakaraming pagbabago sa  longest running noontime show, gaya ng pagreretiro sa mga character nina Lola Nidora, Tinidora, at Tidora. Igu-groom na ang mga “lola” ng programa na sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo bilang kasunod ng TVJ o Tito, Vic & Joey. Lilipat na rin sa 2018 ang EB sa bago nitong bahay sa Marcos Highway na may lawak na 3,000 sqm at tatawaging APT Studios.

Kalahating bilyon ang ginastos para ito mapatayo.

Tradisyon nina Donna at Carlo J. Caparas ipagpapatuloy

Nakikisimpatiya ako kay direktor Carlo J. Caparas dahil hanggang ngayon ay iniinda pa rin nito ang pagkamatay ng maybahay niyang si Donna Villa. Ibinibigay naman sa kanya ng mga anak niyang sina CJ at Peachy Caparas ang kailangang panahon para makumpleto ang kanyang pagluluksa, pero silang magkapatid ang magpapatuloy ng tradisyon ng paggawa ng pelikula na alam nilang ikagagalak ng kanilang ina saan man ito naroroon.

Kahit hindi pa handa si Carlo na bumalik sa pagpepelikula, ipinasya ng magkapatid na pamahalaan ang pagpapalabas ng Kamandag ng Droga, ang huling pelikula na pinamahalaan ng kanilang ina para sa sarii  nilang produksyon, bago ito yumao.

Si CJ ang gumaganap ng major character sa pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with