^

PSN Showbiz

Claudine isinumbong sa hindi pagbabayad ng P200!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Matteo at Sarah inulan ng tukso sa stage!

SEEN: Hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Claudine Barretto tungkol sa mga reklamo laban sa kanya ng kasambahay niya na si Cristine Joy Abria. Nagsumbong si Abria kay Raffy Tulfo ng Aksyon ng News5 dahil sa diumano’y madalas na paninigaw sa kanya ni Claudine.

SCENE: Two hundred pesos ang sinisingil ni Cristine Joy Abria na kulang umano sa suweldo niya. Yaya ng anak ni Claudine ang kontrata ni Abria pero pinagbantay raw siya sa aktres nang ma-confine ito sa ospital. Seventeen days na namasukan si Abria bilang yaya ng anak ni Claudine.

SEEN: Si Raffy Tulfo na lang ang nagbigay ng P200 na sinisingil ni Cristine Joy Abria mula kay Claudine Barretto.

SCENE: Ibinuko ni Cristine Joy Abria na kahit naka-confine sa ospital, naninigarilyo si Claudine Barretto sa loob ng comfort room.

SCENE: Ngayong hapon ang special screening ng Ang Panday sa Trinoma Cinema 4. Unang movie directorial job ni Coco Martin ang official entry niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017. Ginamit ni Coco ang kanyang tunay na pangalan na Rodel Nacianceno.

SEEN: Sina JC Santos at Ryza Cenon ang lead stars ng Mr. & Mrs. Cruz, ang bagong pelikula ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo. Ang Mr. & Mrs. Cruz ang follow-up project ni Bernardo sa blockbuster movie na Kita Kita.

SEEN: Ang taping ng Just Love Christmas Special ng ABS-CBN sa Smart Araneta Coliseum noong Martes, December 11. Mapapanood sa December 16 at December 17 ang Christmas Special ng Kapamilya Network.

SCENE: Ang lovers na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang sentro ng tuksuhan sa taping ng Just Love Christmas Special dahil bihira na magkasama ang dalawa sa stage.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with