^

PSN Showbiz

Paulo suki sa mga audition!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa pag-arte sa pelikula at telebisyon ay pinasok na rin ni Paulo Avelino ang paggawa ng musical film. Nag-audition ang aktor kaya napabilang sa mga pangunahing bida sa Ang Larawan na isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan.

“Lahat ng pelikulang pinapasukan ko, nag-audition ako. Sa Goyo nag-audition ako, sa Larawan nag-audition ako. Maganda kasi ‘yung makakapasok ka sa pelikula dahil trinabaho mo, dahil pinili ka, hindi dahil sikat ka o ano man,” bungad ni Paulo.

Ibang klaseng karanasan daw para sa aktor sa tuwing sumasalang siya sa isang audition. “’Pag nag-a-audition ka, parang nagiging grounded ka eh. It humbles you, parang paalala rin sa sarili mo na, ‘Uy! Aktor at huwag kang umastang kung sino.’ Kasi you have to start again. Kapag nagsisimula ka ulit sa baba at parang hindi ka sigurado kung makukuha ka o hindi. Parang realization na dapat hindi ka makampante. Kasi marami ring magagaling,” paliwanag ni Paulo.

Kapareha ng aktor si Rachel Alejandro sa nasabing musical film. Aminado si Paulo na talagang nahirapan siya sa pagkanta sa nasabing proyekto. “Nahirapan ako sa singing part. Kasi si Ms. Celeste (Legaspi) masyadong perfectionist, naka­tutok siya sa akin. So kapag may mag-off ng konti sa key, ulit na naman. Hindi ako nao-offend. Celeste Legaspi ‘yon at alam niya ang ginagawa niya. May tainga na siya for that and siyempre, bilang baguhan, nakikinig ka sa mas nakakaalam. Kasi hindi ito ‘yung pagkanta na parang favorite mong kanta, pwede mong kantahin o kung saan ka magaling. Ito kasi theatrical, napakaraming rehearsals, napakaraming trainings,” pagdedetalye ng aktor.

Gayunpaman, masayang-masaya si Paulo dahil natupad na ang isa sa kanyang mga pinapangarap lamang noon. “Very proud ako na nagawa ko. Isa ito sa bucket list roles na gusto kong gawin talaga. Gusto kong gumawa ng musical, napaaga lang talaga,” pagtatapos niya.

Zanjoe iwas muna sa tatay roles

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Zanjoe Marudo ngayon. Iwas na muna raw ang aktor sa paggawa ng heavy drama simula sa susunod na taon. “Meron akong gagawin na teleserye, itong Playhouse. Tapos may movie ako with Star Cinema na rom-com (romantic comedy) ulit. So excited ako do’n’” bungad ni Zanjoe.

Si Angelica Panganiban ang makakatambal ng aktor sa bagong teleserye habang si Empoy Marquez naman ang makakasama ni Zanjoe sa Kusina Kings ng Star Cinema.

Hindi na rin muna tatanggap si Zanjoe ng karakter bilang tatay katulad ng kanyang nagawa sa ilang teleserye ng ABS-CBN. “Akala ko dire-diretso na ako sa gano’ng mga roles na tatay ako ng mga bata na gustong i-launch. ‘Yung mga pinapasikat na bata. Nakakatuwa na ngayon nao-offer sa akin ‘yung mga da­ting gusto kong gawin na hindi nabibigay sa akin. Ngayon sila sabay-sabay na binibigay sa akin,” nakangiting pahayag ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with