^

PSN Showbiz

Mariel boses ang pantapat sa bashers!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maganda naman ang naging guesting ni Mariel de Leon sa Tonight with Boy Abunda. Sana nga ay tuluyan na siyang mapatawad ng kanyang bashers sa pagbibigay ng opinyon sa mara­ming bagay sa showbiz man o pulitika.

Takot siyang mag-artista dahil hindi ganun kalakas ang confidence niya. Takot din siya na malaman kung hanggang saan lamang ang kakayahan niya bilang artista, pero tinanggap niya ang ha­­mon na humarap sa camera at umarte sa Ang Pan­day kasama si Coco Martin na siya ring nagprod­yus at nagdirek  ng movie.

Nagtataka lang ang marami kung bakit hindi siya pinapakanta para sa mga promo ng pelikula gayung ma­galing daw itong kumanta. Mas madaling makuha ang loob ng maski na ang pinakamalupit niyang kritiko kung dadaanin niya ito sa musika.

JM tinulungang lumaya ni Jennylyn

Trending sa Facebook ang isang microfilm na nagtatampok kina JM de Guzman at Jennylyn Mercado. Naka-dalawang araw pa lamang ito ng pag­papalabas, pero umaani na ito ng 3.2 million views, 113,000 likes, at mahigit 65,000 shares. Dahil sa napakagandang che­mistry na nakita sa dalawa, ma­ra­mi ang humihiling na sana naman ay mapanood sila sa isang pelikula.

Inaasahang mas papatok pa ang 10 minutong palabas lalo’t matagal nang nami-miss si JM. Naunahan pa nitong mapanood ang entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 na All Of You na nagtatampok kina Jennylyn at Derek Ramsay.

Paano nga naman hindi magugustuhan ang maik­ling paoorin na may pamagat na Malayang Pasko, eh isang love story ito tungkol sa struggles ng isang couple matapos maghiwalay. Ginawa ito ng Acer Philippines para sa dalawang pina­kabago nilang am­bassador at kasama sa holiday campaign.

Bong naghahanap na ng kapalit

Malamang na sa walang tigil na pagdarasal ni Sen. Bong Revilla ay maaabsuwelto ito sa kasong isinampa sa kanya at tuluyan nang makakawala sa kanyang pagkakapiit. Kung ang kapwa niya pulitiko at artista na si Sen. Jinggoy Estrada ay pinayagang makalabas na, malaki ang pag-asa niya na makamit din ang kaparehong  treatment sa korte.

Samantala, sa kabila ng kalungkutan ng kanyang pamilya ay napapabuti pa ni  Lani Mercado ang kanyang gawain bilang ma­yor ng Bacoor, Ca­vite. Magkakasunod na taon nang tumatanggap ang Bacoor ng pagkilala for good governance and en­viron­mental compliance mula sa DILG at Dept. of Tourism.

Sa kabila ng absence ng padre de familia, nagsimula na ng paghahanda ng isang pelikula  na magtatampok sa tatlong anak na lalaki ng mga Revilla/Bautista, sina Bryan, VG Jolo at Luigi Revilla. Gustong makita ng mga magulang nila kung sino pinakakarapat-dapat na sumunod sa yapak ni Bong bilang action star.

Hinihintay ng Imus Production ang paglaya ni Sen. Bong para masimulan na ang opisyal na paggawa ng nasabing movie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with