^

PSN Showbiz

AiAi lumabas pa rin ang pagka-komedyana sa kasal, singsing hindi nagkasya kay Gerald

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tawang-tawa si Edgar Allan Guzman na ikinuwento sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng T-Rex Entertainment na Deadma Walking na pagkatapos daw niyang basahin ang script ay nakipag-meeting na siya kina direk Julius Alfonso at Rex Tiri.

Kuwento ni EA, “Nag-meeting kami sa Limbaga, after ng meeting na ‘yun nagmakaawa kami na ‘wag sanang ibigay sa iba. Sa amin na lang po.”

Natatawang sagot daw ni direk Julius sa kanya, “I’ll call you, don’t call me.”

Parang pinag-screen test pa raw silang dalawa ni Joross Gamboa para makita ang chemistry nila bilang bestfriends.

Muling nagmakaawa raw silang huwag nang ibigay sa iba dahil gustung-gusto na nila ang pro­ject.

Nagsimula raw ito kasi kina Aga Muhlach at Rode­rick Paulate, hanggang inalok din kina Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz, at finally sa kanila napunta.

Sabi naman ni direk, “They’re not first choice, they’re final choice, and the perfect choice.”

PAK: Si Joross naman ay kinarir ang pagkuha ng special guests para sa cameo role sa pelikulang Deadma Walking.

“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nag-guest sa aming pelikula, dahil nagmukhang mamahalin ang aming pelikula.

“Binraso namin ‘yung mag-cameo rito, bilang kami naman ang nag-support sa kanila, ngayon sila naman ang mag-support sa amin,” pakli ni Joross.

Sabi ni direk Julius, mahigit 30 raw ang guests nila at halos lahat sa kanila ay nagkasabay-sabay pang dumating sa set, at bilib sila kay Piolo Pascual dahil siya raw ang pinakamaagang duma­ting.

Sa rami raw ng big stars na nag-guest, aligaga raw si Dimples Romana sa pag-entertain, hanggang sa muntik pa raw silang mag-prayer meeting.

Kaya napamahal na raw sa kanila ang naturang proyekto dahil tulung-tulong silang lahat na mabuo at lumabas na maganda.

BOOM: Hanggang sa mis­mong wedding nina AiAi delas Alas at Gerald Si­bayan kahapon na ginanap sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, naisingit pa rin niya ang kanyang pagiging komedyante.

Sa exchange of vows ay isang malutong na “Super yes I do!” ang sagot ni AiAi.

Sabi pa ni AiAi nang isinuot na ang wedding ring kay Gerald, “Hindi magkasya Ning!”

Kaya nagtawanan sa loob ng simbahan.

Pero nang maglakad ito sa aisle ay hindi napigilan ni AiAi ang maluha habang kinakantahan siya ni Martin Nievera ng awiting Ngayon at Kailanman. Pati si Gerald ay naluha na rin nang papalapit na sa kanya si AiAi.

Pero ang ganda-ganda niya sa araw ng kanyang kasal suot ang wedding gown na gawa ni Frederick Peralta courtesy of Marian Rivera, at ang design sa veil ay hand-painted pa ni direk Louie Ignacio.

Pitong Obispo at pitong pari ang nagkasal sa kanilang dalawa.

Congratulations sa bagong kasal na sina Gerald at AiAi Sibayan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with