^

PSN Showbiz

Echo dapat panghinayangan si Jennyly!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Back to her old form si Rufa Mae Quinto na bridesmaid sa Delas Alas-Sibayan Nuptials. Malaki na ang ipinayat ni Rufa Mae mula nang isilang niya noong February 2017 ang kanyang baby daughter na si Alexandria Athena.

SCENE: Hindi na pumunta sa wedding reception nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa Blue Leaf Taguig ang ilan sa mga bisita na nagsadya sa Christ The King Church, Greenmeadows, Quezon City. Nag-attend sa wedding reception ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.

SEEN: Forty-five mi­nutes na naghintay si Carmi Martin sa loob ng sasakyan niya na nakaparada sa harap ng Blue Leaf. Hindi na nagpunta sa simbahan si Carmi dahil mas malapit ang venue ng wedding reception sa bahay niya sa Magallanes, Makati City.

SCENE: Hindi nakaligtaan ni AiAi delas Alas ang kanyang nakaugalian na tradisyon na mag-alay ng bulaklak para kay Blessed Virgin Mary dahil ito ang patron saint niya.

SEEN: May dapat pang­hinayangan si Jericho Rosales kapag napanood niya ang All of You ng Quantum Films dahil markadung-markado ang role ni Derek Ramsay. Si Jericho ang original choice bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa All of You pero nag-back out siya.

SCENE: Kasama ni Derek Ramsay sa special screening kahapon ng All of You sa Director’s Club ng SM Megamall ang kanyang girlfriend na si Joanne Villablanca. Hindi magkatabi sa upuan ang dalawa nang panoorin nila ang pelikula.

SEEN: May special participation sa All of You sina Rafael Rosell, Sam Milby, at si Solenn Heussaff, ang real-life ex-girlfriend ni Derek Ramsay. Ex-girlfriend ng karakter ni Derek ang role ni Solenn sa All of You.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with