^

PSN Showbiz

Aktres hindi na nagagamit ang pinagkakitaang katawan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May katagalan na ang kuwentong ito. Kasagsagan nu’n ng popularidad ng isang female personality. Maganda, makinis, at sexy siya kaya maraming nahuhumaling sa kanyang kagandahan.

Madalas siyang maimbitahan sa mga corporate party, hindi naman siya kagalingang kumanta, pero puwede na rin dahil katawan at ganda ang kanyang puhunan sa pagsu-show.

Sa isang show para sa mga unipormadong kalalakihan ay nakuha niya ang matinding atensiyon ng isang retirado nang militar. Hirap na hirap si manong sa paraan kung paano nito masasabi ang kanyang plano pero naitawid naman nito.

Kuwento ng aming source, “Ang akala kasi nu’ng matanda, e, hindi makapapayag sa hinihingi niyang date si ____(pangalan ng seksing female personality), wala siyang kaalam-alam na ‘yun ang sideline ng girl!

“Agad-agad na pumayag ang girl, pero nakibalita muna siya kung sino si manong at kung ano ang lagay ng kanyang kabuhayan showcase. Nang malaman niyang milyonaryo ang uniformed man, panalo!

“’Yun lang at nabuo na ang kanilang relasyon. Naging keptwoman na ni manong si girl. Hindi puwedeng ipagmakaingay ang kanilang relasyon dahil pamilyado ang matanda at ang girl naman, e, may boyfriend na macho actor.

“Ang matandang humaling na humaling sa kanya ang nagpatayo ng kanyang magarbong bahay. Lumipat sila du’n ng boyfriend niya na walang kaalam-alam ang guy na ang nagpatayo ng bahay, e, ang kulukadidang ng kanyang GF!

“Magaling humawak ng schedule ang girl, mawawala siya ng dalawa-tatlong araw, paniniwalain niya ang boyfriend niya na meron siyang show sa kung saan-saang probinsiya, pero ang totoo, e, naka-check in lang sila ng kanyang azucarera de papa sa isang five-star hotel.

“Natapos lang ang kanilang relasyon nang nakaamoy na ang wife ni manong, mukhang may ginagawang milagro ang kanyang mister, natakot ang magdyowa na baka magpa-interview si misis on national television.

“Ang bilis-bilis nakalimot ng girl, pagkatapos ni manong ay isang milyonaryo namang businessman ang naging papa niya. Isinabay pa niya ang dalawang pulitikong medyo bata-bata pa.

“Ang galing-galing talaga ng babaeng ‘yun! Maliit lang ang puhunan niya, pero kung kumita siya, bonggang-bongga! Pero may hangganan ang lahat. Wala na siyang raket ngayon.

“Tapos na ang kanyang panahon, hindi lang mukhang nanganak na ang itsura ng kanyang katawan ngayon, talagang nanganak siya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Julia tiis-tiis muna Coco hindi mahanapan ng oras ang puso

Sabay-sabay na manonood ng pelikula ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang aming mga kaibigan. Bitbit nila sa panonood ang kanilang mga anak at apo, hindi nila palalampasin ang Ang Panday, tulad ng ginagawa nilang pagtutok gabi-gabi sa Ang Probinsyano.

Napanood na namin nang ilang beses ang trailer ng pelikula, sagad ang mga ginawang stunts ni Coco, idagdag pa na makasaysayan ang iniwanang pelikula ng Hari Ng Aksiyon na si Fernando Poe, Jr..

Napapanahon ang pag-atake ni Coco bilang aktor-direktor ng Ang Panday, nakamotorsiklo na si Flavio, pati ang kanyang mga punyal ay may iba-iba nang hugis at hitsura.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pelikulang mapapanood na sa mismong Pasko ay hindi pa rin napababayaan ni Coco Martin ang kanyang serye. Gabi-gabi ay lalong nagiging kapana-panabik ang mga eksena sa Ang Probinsyano.

Hindi mo gugustuhing mapalampas ‘yun, isusumpa mo ang sitwasyon kapag nagsisimula na ang serye ay nasa kalye ka pa rin dahil sa matinding traffic, kinabukasan kasi ay mapag-iiwanan ka sa kuwentuhan ng iyong mga kaopisina tungkol sa nangyari nang nakaraang gabi.

Sa tindi ng trabaho ngayon ng magaling na aktor ay hindi na nga halos niya mabibigyan ng oras ang kanyang personal na buhay. Kaya siguro lumutang ang balitang hiwalay na sila ni Julia Montes.

Mula umaga hanggang gabi ang pagtutok ni Coco sa trabaho, nakabantay pa siya sa post production ng kanyang pelikula, sa Ang Probinsyano naman ay bahagi siya ng creative team.

Totoong-totoo, isang babaeng may malawak na pang-unawa lang ang makayayakap sa takbo ng buhay at karera ngayon ni Coco Martin. Kung mapaghanap ang babae ay sa hiwalayan talaga ‘yun mauuwi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with