^

PSN Showbiz

Jane, Jameson, Maris, at John nag-iba ng anyo sa Haunted Forest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagbibidahan ng apat sa pinakamahuhusay na teen stars ngayon na sina Jane Oineza, Jame­son Blake, Maris Racal at Jon Lucas ang pina­kabagong horror masterpiece ng Regal Entertainment Inc.  na Haunted Forest na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula ngayong Pasko (December 25) bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Matapos ang kani-kanilang markadong pagganap sa TV at pelikula, handang-handa na sina Jane, Jameson, Maris at Jon na ibahagi sa publiko ang iba pang kaya nilang gawin bilang mga aktor.

“Malaking challenge but at the same time, big blessing po para sa aming lahat ang Haunted Fo­rest. Challenge, because it’s the only horror film in the MMFF lineup and it’s a Christmas blessing dahil hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng almost 60-year legacy ng Regal. Anuman ang generation natin, halos lahat ng Pilipino ay laking Regal movies katulad ng classic films na Aswang, Tiyanak, Haunted Mansion, and most of all, the Shake, Rattle, and Roll series,” pahayag ni Jane.

Katulad ni Jane, todo-buhos rin sina Maris, Jameson at Jon sa paghasa ng kanilang galing sa pag-arte. Noong nakaraang taon, umani ng papuri si Maris sa markado niyang pagganap sa pelikulang Vince & Kath & James.

Samantala, pinatunayan naman nina Jameson at Jon (na kapwa miyem­bro ng Hashtags) na hindi lamang sila sa sayaw humahataw kung hindi maging sa larangan ng independent films.

“Sa Haunted Forest, bagong Jane, Maris, Jameson at Jon naman ang makikilala ng madlang people. Dito, hindi lang kayo matatakot at kikiligin, may family values rin na ituturo sa atin ‘yung mga character ng film. At dapat ring abangan kung sino si Sitsit na siguradong hinding-hindi natin malilimutan pagkatapos manood ng aming pelikula,” ani Jameson.

Bukod sa Regal teen stars, bahagi rin ng supernatural teen horror na Haun­ted Forest ang mga batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. Tampok rin sa cast sina Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida, Beverly Salviejo, Fiona Yang at Kelvin Miranda.

Sa ilalim ng direksyon ng international award-winning director na si Ian Lo­reños, mapapanood na ang Hauted Forest sa Pasko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with