^

PSN Showbiz

Isang dosenang Pinoy mag­lalaban-laban na sa Global TNT!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa wakas ay magkakaalaman na kung sino sa mga pambato ng iba’t ibang bansa ang uusad bilang dalawa sa international representatives ng Global Tawag ng Tanghalan sa darating nga Global Week mula December 11 hanggang 16 sa award-winning musical variety show na It’s Showtime na mapapanood live via TFC sa key countries worldwide at via streaming sa TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.

Ang mapapalad at mga talentadong mga kababayan na magtatagisan ngayong darating na linggo ay sina Jing Wenghofer mula Chicago, Illinois, Steven Paysu mula Fontana California, Bernardite Steiger mula Austria, Louis Denciv Auman mula Austria, Al Angelo Bernal mula UAE, Chlea Marie Trinidad mula Bahrain, Cris Lyn Joy Rotor mula South Korea, Makoto Inoue mula Japan, Aaron Paul Manabat mula Singapore, Penny Salcedo mula Hong Kong, Joseph Legaspi mula Guam and Rex Angelo Urbano mula Australia.

Patindi nang patindi ang excitement lalo na para sa online citizens dahil sa pagkakataong pumili ng kanilang mga pambato via tntvote.abs-cbn.com

Suportahan ang inyong pambato. Para sa voting time and mechanics, sundan ang streaming via TFC online (www.TFC.tv). 

Ang global showdown ay mapapanood sa Philippines via TV 2 at sa labas ng Pilipinas via TFC (live sa key countries worldwide. Samantala, ang catch up episodes naman ng

Global Tawag ng Tanghalan ay mapapanood sa key countries worldwide via TFC online at TFC internet protocol television (TFC IPTV).

Love story nina Max at Pancho, inalam!

Isang registered nurse na piniling pasukin ang mundo ng showbiz. Ganito ang kuwento ng Kapuso aktor na si Pancho Magno at ngayong Miyerkules (Dec. 13), kilalanin pang lalo si Pancho sa Tunay na Buhay kasama si Rhea Santos.

Kasalukuyang napapanood si Pancho sa Afternoon Prime series na Haplos kung saan isa siya sa mga leading man ng aktres na si Sanya Lopez. Pero sa totoong buhay, ang nagpapatibok sa puso ni Pancho ay ang kanyang misis na si Max Collins. Paano nga ba nila pinaghandaan ang kanilang kasal kahapon? Saan nga ba nagsimula ang kanilang love story?

Samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng Tunay ng Buhay ni Pancho Magno ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi sa GMA-7. (30)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with