Pia nahirapang sampalin si Vice
May isang eksena si Pia Wurtzbach sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad na nahirapan siyang i-execute. Ito ang eksenang sinampal niya si Vice Ganda na hindi niya magawa-gawa nu’ng una dahil love niya ang komedyante. Ang gusto niya ay dayain na lamang ang eksena, pero hindi pumayag si direk Bb. Joyce Bernal na ang gusto ay isang makatotohanang eksena.
Si Vice ang nakakumbinse kay Pia na gawin na ang eksena. Tinotoo naman ng ex-Miss Universe ang pananampal niya kaya nakaramdam din ng sakit si Vice.
Pagselosan din kaya ni Marian si Anne?
Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa movie na gagawin nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na may pamagat na Sid and Aya. Inaasahan ng lahat na sa tagal na hindi pagsasama ng dalawa sa proyekto ay magagawa nilang memorable at unforgettable ang mga character nila sa movie. Tulad ba nina Popoy at Basha na ginampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ng makalawang beses sa pelikula.
Isang romantic movie ang gagawin nina Dingdong at Anne na kabilang sa magkalabang TV network. Dahil isang love story, siguradong magkakaroon ito ng kissing scenes at love scenes.
Hindi kaya magselos na naman si Marian Rivra dahil game naman si Anne sa mga ganitong eksena? At kailangan bang humanda na si Anne sa magiging reaksyon ni Mrs. Dantes?
Pacman at Jinkee hiwa-hiwalay ang pamilya sa Pasko
Siguradong malulungkot ang Pacquiao siblings dahil hindi nila makakasama sa Pasko ang mga parents nilang sina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao. Pupunta ng Korea ang mag-asawa para sa isang personal commitment at maggi-guest pa sa isang TV show. Dalawang araw makaraan ang Pasko na sila babalik.
Donna hindi nagpatalo sa mga sikat na player ng Ateneo
Maganda at magaling na napangatawanan ng The Funny One champion na si Donna Cariaga ang paggi-guest niya sa Gandang Gabi Vice kasama ang UAAP champion team sa basketball na Ateneo Blue Eagles. Hindi siya na-intimidate ng mga iniilusyong basketbolista. She held her own, nakapagbuslo pa siya ng ilang jokes na hindi na out of place sa pinag-uusapan.
Ang maganda pa sa The Funny One champ ay nagawa niyang makipagsabayan sa mga basketbolista at hindi siya napag-iwanan, sa personalidad, wit, at intelligence.
I’m sure inggit ang maraming babaeng nakapanood sa kanya sa show dahil nakatabi, nakasayaw, at nakabiruan niya ang apat sa ipinagmamalaking cagers ng Ateneo.
Bravo, Donna!
- Latest