^

PSN Showbiz

Mark Bautista inilantad ang betlog sa kanyang libro!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Mark Bautista inilantad ang betlog sa kanyang libro!

Mark Bautista

PIK: In all fairness naman sa Regal Mul­ti­media, Inc. inalagaan nila sa billing ang dalawang senior stars na bahagi ng pelikulang Haunted Forest na sina Joey Marquez at Raymart Santiago.

Bida sa pelikula ang Kapamilya youngstars na sina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas, at Maris Racal, pero malakas ang support nina Joey at Raymart kaya inilagay sila sa itaas at sumunod na lang ang mga bagets.

Kaya inaasahang magpu-promote rin ang dalawa ng naturang pelikula dahil may following din naman sila.

PAK: Isang buwan na ang baby nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria, at pinabinyagan na nila ito  kamakalawa ng hapon na ginanap sa St. James Parish Church sa Ayala Alabang na kung saan din sila nagpakasal last January 30, 2016.

Halos kumpleto ang ninong at ninang, at sayang dahil hindi nakaabot si Alden Richards dahil nasa Sunday PinaSaya pa ito.

Dapat ay hahabol daw siya sa reception sa Phoenix Restaurant sa Alabang din, pero hanggang alas-tres lang pala sila roon kaya hindi na nakarating ang Pambansang Bae.

Kumpleto naman ang mga anak ni Bossing Vic na cute na cute sa kanilang bunsong kapatid.

Marami na nga ang nagsabing maganda ang kumbinasyon nina Bossing Vic at Pauleen, dahil napakaganda ni Baby Talitha at lalong naging cute sa matambok niyang mga pisngi.

Siyempre, tuwang-tuwa at proud na proud si Mommy Poleng!

BOOM: Mukhang pasabog ang librong ginawa ni Mark Bautista na malapit na raw ilabas.

Ayon sa ilang taong tumutulong sa male balladeer, daring si Mark sa mga rebelasyong ilalabas niya sa libro.

Pati sa pictorial ay sobrang daring din kung saan kita ang kabuuan nito na robe lang ang nakatakip.

Hindi raw nag-plaster si Mark, kaya nasilip ang makinis na betlog pero okay lang daw kay Mark iyon. Malamang isa ‘yun sa dahilan kung bakit bibilhin ang librong ito.

Sabi lang ng aming source, pawis, dugo, at lakas ng loob ang puhunan ni Mark sa librong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with