^

PSN Showbiz

Pancho at Max emosyonal sa kasal!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Pancho at Max emosyonal sa kasal!

Max Collins at Pancho Magno

SEEN: #IsaLangParaKayPancho ang hashtag ng Christian wedding nina ni Max Collins at Pancho Magno na ginanap kahapon sa grand ballroom ng Marriott Hotel. Isabelle ang tunay na pangalan ni Max.

SCENE: Ang fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng wedding gown ni Max Collins. Parehong naging emosyonal si Pancho  nang salubungin nila ang bride.

SEEN: First public appearance ni Arabella ang kasal nina Max Collins at Pancho Magno. Kasama ni Arabella ang kanyang mga magulang na sina Geoff Eigenmann at Maya Flores.

SCENE: Sa walong pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, ang Siargao ng direktor na si Paul Soriano ang walang kaingay-ingay dahil kulang sa promo at publicity.

SEEN: Bagay na bagay sa personalidad ni Erik Santos ang mga “hugot T-shirt” na bagong negosyo niya. Makikita sa mga hugot line ni Erik ang kanyang pagkatao.

SCENE: Si Paul Basinillo ang direktor ng Revolution, ang major concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Smart Araneta Coliseum sa February 9, 2018. Si Basinillo ang direktor ng mga successful concert ni Sarah Geronimo.

SEEN: Walang make-up at may suot na cap si Ryza Cenon para hindi siya makilala ng mga tao nang mag-shopping sila ng kanyang boyfriend na si Cholo Barretto sa Trinoma noong Linggo.

SCENE: Papansin si Sinon Loresca dahil malakas ang boses niya habang rumarampa kahapon sa Robinson’s Magnolia. Kung hindi pa siya nag-ingay, hindi mapapansin si Sinon ng mga shopper.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with