^

PSN Showbiz

Vice inangkin na ang P1-B na kita ng pelikula!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice inangkin na ang P1-B na kita ng pelikula!

Vice Ganda

Hindi na raw iniisip ni Vice Ganda ngayon kung mangu­nguna sa takilya ang pelikulang Gandarrapiddo: The Revenger Squad sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Kasamang pangunahing bida ng komedyante sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach sa nasabing proyekto.

“Tapos na ako roon sa baliw na baliw at aligagang taranta. Dati kasi baliw levels na nanginginig, hindi nila ako makausap. Tanong ako nang tanong kung magkano na, tapos na ako sa gano’n. Ang pressure sa akin ngayon is laging maganda ‘yung movie,” paliwanag ni Vice.

“Ang ganda na ng nasimulan ko. Nakapagpamarka na ako ng pelikulang nakakatawa. Ayaw kong magkaroon ng butas na masabi ng audience ko na hindi na nakakatawa. Kasi ‘yon ang pinanghahawakan nila. Kaya every year, nagiging successful ang project ko kasi ‘yung experience nila no’ng nakaraang taon, ‘yon ang binibitbit nila sa present. Kumbaga papanoorin ko ito kasi natawa ako last year. Nandoon ang pressure,” dagdag ng komedyante.

Gayunpaman, nangangarap naman si Vice na malaki ang kikitain ng kanyang pelikula sa MMFF. “Pinapangunahan ko na, 1 billion, kini-claim ko lang naman. Kaibigan ko for the past years ang universe. Naging malapit ako sa Miss Universe (Pia Wurtzbach) kaya feeling ko ang lakas-lakas ko lalo. ‘Yung pressure tapatan mo lang ng konting yabang,” giit niya.

Sinisiguro ni Vice na ibang-iba ang bagong pelikula kumpara sa mga nauna niyang blockbuster films. “Kaya kami kampante na iba lagi ‘yung material na ino-offer namin every year, kasi sinasabayan po namin ‘yung panahon. Kung ano ‘yung relevant ngayon, doon kami naka-concentrate. Nag-iiba rin naman ang taste ng audience. Since araw-araw nasa Showtime  ako, alam na alam ko ‘yung trip nila. Sigurado akong hindi nauulit ‘yung ginagawa namin,” nakangiting pahayag ni Vice.

Rachel may bagong librong pampapayat

Nailabas na ang pangatlong libro ni Rachel Alejandro na may titulong 21 Days To A Sexier You. Ibang-iba raw ang hu­ling libro kumpara sa dalawang naunang ginawa nila ng kapatid na si Chef Barni ayon sa singer.

“’Yung unang book namin, it’s really about mga tried recipes ng The Sexy Chef. So basically ‘yung mga isini-serve na talaga namin, typically as part of diet plans,” pagbabahagi ni Rachel.

Malaki ang maitutulong ng bagong libro para sa mga taong nagnanais magbawas ng timbang o nagpapapayat. “Kapag sinunod n’yo, you will learn new habits. You will learn what are the things that you could be doing na kaya hindi nagwo-work ‘yung pagpapapayat ninyo and at the same time, kung paano n’yo magagamit and what food to include and what nutrients to include to help with weight-loss. It’s a change in the way you look at food and the way you relate the food that you eat and your body,” pagdedetalye pa ni Rachel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with