^

PSN Showbiz

Young actress at ka-loveteam parang magkakaanak na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Posibleng mangyari ang iniisip ng mga nakamasid pero huwag naman sana sa ganito kaagang panahon. Malayo pa ang mararating ng magkarelasyong bagets, sayang na sayang ang magandang takbo ng kanilang career, kaya sana’y huwag mangyari ang pag-aalala ng mga nakakatrabaho nila.

Bago pa lang silang magkarelasyon, tanggap naman ng kani-kanilang pamilya ang pagmamahalan nila, walang humaharang at kumokontra.

Pero dahil sa kanilang kabataan ay nagiging mapusok sila paminsan-minsan, nakakalimutan nila na may mga matang nakamasid sa kanila, maraming nakakakita sa kanilang paglalambingan.

Sabi ng isang source, “Kitang-kita naman na love nila ang isa’t isa, walang question du’n, feel na feel ng lahat na nagmamahalan sila. Malambing ang guy, mas malambing ang girl, sa tinginan pa nga lang nila, e, mabubusog ka na sa panonood lang sa kanila.

“Pero sana, e, hanggang du’n na lang muna ang lahat. Matindi ang pangarap ng bagets actor na makatulong sa family nila, gusto niyang maibigay sa parents at mga kapatid niya ang maayos na kabuhayan showcase.

“Ngayon pa lang gumaganda ang career niya, marami siyang projects, maraming humahanga sa talent niya sa pag-arte kahit bagito pa lang siya.

“Ang girl naman, e, may chance na mas gumanda pa ang career dahil ang ganda-ganda niya at nakakaarte rin siya. Huwag sana siyang magpadala sa puso niya nang ganito kaaga.

“May mga nagsasabi kasi na meron daw siyang pagmamanahan. Palibhasa, e, galing siya sa isang pamilya ng mga artista, ang nangyari nu’n sa mga kapamilya niya, e, mangyayari rin daw sa kanya.

“Huwag naman sana. Iba naman siya. Hindi puwedeng sabihin na magkakapareho ang kapalaran nila. saka natuto na ang girl na ito sa nangyari sa mga taong kadugo niya.

“Ang mahalaga, e, mas mag-focus muna sana sila sa trabaho nila. Walang masama sa paglalambingan, sa pagpapakita kung gaano nila kamahal ang bawat isa, pero hanggang du’n na lang muna sana ‘yun.

“Huwag sana silang maging mapusok, mas bigyan nila ng panahon ang mga career nila na ang ganda-ganda pa naman. Good daughter naman ang babae, good son din ang bagets, kaya huwag sanang mangyari ang iniisip ng iba tungkol sa kanila,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

AiAi at Gerald babasbasan na ang pagsasama

Ngayon na ang araw na pinakahihintay nina Gerald Sibayan at AiAi delas Alas. Ngayon na ang takdang araw ng pagbabasbas sa kanilang apat na taong relasyon.

Bukas ay tatawagin nang Mrs. Sibayan ang Comedy Concert Queen, isang titulong kanyang-kanya lang at walang makaagaw, harinawang maging panghabambuhay na ang kanilang pagmamahalan.

Dumaan sa matinding paghusga ang kanilang relasyon, malaki ang agwat ng kanilang edad, pinagdudahan din si Gerald na ang kasikatan lang at kayamanan ng komedyana ang kanyang habol.

Pero may batas na pinaiiral ang mga pusong nagkakaunawaan at nagmamahalan, anuman ang sabihin ng buong mundo ay hindi nila dapat pakinggan, dahil ang kanilang mga puso lang ang makapagdedesisyon.

Malaking bentahe sa paglalim ng kanilang relasyon ang mga anak ni AiAi na hindi kumontra kay Gerald bilang boyfriend ng kanilang ina. Agad silang nagkasundo, naging magkakaibigan, kahit pa para lang silang magkakapatid kung edad ang pagbabasehan.

Maprinsipyo si Gerald, hindi ito umaasa lang sa magandang buhay ni AiAi, magaling na badminton coach ito ng mga kilalang unibersidad. Kumikita ito, hindi man kasinglaki ng kinikita ng komedyana ‘yun ay sapat nang patunay na hindi ito magiging pabigat kay AiAi, may sinasandalang propesyon si Ge­rald Sibayan.

Dalangin din ni AiAi na sana’y ibinigay na sa kanya ni Lord ang lalaking matagal na niyang ipinagdarasal na makakasama niya habambuhay. Marami na siyang pinagdaanan, busog na busog na siya ng leksiyon sa pakikipagrelas­yon, kaya sana’y si Gerald Sibayan na ang huli niyang kakatagpuin sa harap ng altar.

Mabuhay ang aming mga inaanak! Mabuhay ang mga bagong kasal!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with