^

PSN Showbiz

Maine balik-EB, movie nila ni Alden may script na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine balik-EB, movie nila ni Alden may script na!

Maine Mendoza

Bagong studio ng Eat Bulaga worth half billion!

Nag-a-advance ta­ping na ang Eat Bulaga para sa kanilang Christmas break. Kaya almost two weeks din ang magiging bakasyon ng mga host and staff ng longest running noontime show starting December 16.

Pagdating ng January 1, back to work ang lahat. Yup, lahat ng host ayon kay Mr. Tony Tuviera, ang big boss ng TAPE, Inc. and APT Entertainment na naka-lunch ng entertainment editors kahapon.

Kasama kayang ba­balik sa New Year si Maine Mendoza?

Tawa lang ang sagot ni Mr. Tuviera pero inulit niyang ‘lahat’ nang kasama sa show.

At kahit ayaw sana ng informal question and answer ni Mr. T., hindi pa rin siya nakaiwas sa pangungulit sa tanong tungkol sa pelikulang nakaplano nina Maine and Alden Richards. Sinabi niyang tuloy na tuloy ito at may script na.

EB lilipat ng bagong studio

Next year din ay naka-schedule nang lumipat ang Eat Bulaga na 39 years na palang napapanood sa TV sa kanilang permanent studio sa may Cainta.

Yup, matatapos na ang ipinagawa niyang APT Studios sa 3,000 square meters lot sa pagpasok lang ng Cainta.

Apat na floors ito at may Sound Stage sa 4th floor na magagamit sa post production ng mga pelikula.

Kumpleto ang equipments at isang grupo ng mga American ang nag-design at nag-set up ng sounds.

Second quarter of 2018 ang target nilang paglipat sa APT Studios. Ngayon ay yearly na lang ang renewal nila ng contract sa Broadway Centrum na pag-aari na ngayon ng Megaworld. Naging tahanan ng Eat Bulaga ang Broadway sa mahabang pa­nahon.

Inabot ng kalahating bilyon ang investment ni Mr. T sa APT Studios. Yes, half billion ang nagastos sa pagpapagawa ng studio na mas maraming fans ang kayang i-accommodate. Sa Broadway ay 500 lang ang napagkakasya na fans kaya naman mara­ming nagtitiyaga sa labas na lang lalo na nang pumutok ang AlDub na santambak ang fans na nagbanta ngayong magra-rally dahil sa pagbabakasyon ni Maine sa US (na aabutin hanggang Pasko). Sa bagong studio, 700 ang kayang i-accommodate.

Mr. Tuviera

Walang social media account

Sorry, pero walang kahit anong social media account ang isa sa mga haligi ng local television na si Mr. Tuviera. Kaya hindi siya nakakabasa ng negative na nakakapagpainit ng kanyang ulo.

“Sa text nga kelan lang ako natutong mag-reply,” sabay tawa niya.

Sa 2018 ay 40 years na ang Eat Bulaga. At malaking celebration ang kanilang pinaghahandaan.

Nakikita na ba niya ang time na magsasawa na ang tao kina Tito, Vic and Joey at maghanap na sila ng iba naman?

Ayon kay Mr. T andun naman ang posibilidad pero nanatiling matatag ang kanilang programa at malakas ang Tito, Vic and Joey. Nanatili aniya ang mystery kay Vic na parang ngayon lang uli naging ama sa anak nila ni Pauleen Luna.

“Andiyan ang mga lola, Jose Manalo, Wally Bayola and Paolo Ballesteros. Pero siyempre walang puwedeng pumalit kina TVJ. Parang sina Fernando Poe, Jr. at Dolphy, wala naman pumalit,” pahayag pa ni Mr. T. Pero pahinga muna ang mga lola sa kanilang show na The Lolas’ Beautiful Show na napapanood bago mag-Eat Bulaga. Yup mawawala muna sa ere sa programa bago ang Christmas.

Andiyan din naman daw ang tulad ni Ryan Agoncillo bagama’t nagpapagaling ito matapos magkaroon ng injury nang sumabak sa Himalayan adventure kasama ang iba pang Pinoy motorbike riders.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with