^

PSN Showbiz

Walang kupas sa pagpapakakontrobersyal Kris gustong makasama sa Pasko si Herbert?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nasa limelight na naman si Kris Aquino. Bigla na naman siyang pinag-uusapan at hinuhulaan ng lahat kung sino ang ex na sinasabi niyang pinag-iisipan kung bibigyan ng pagkakataon na makasamang muli ngayong Kapaskuhan.

Bagaman at maraming humuhula at natutuwa kung si James Yap ‘yun, hindi naman pupuwede dahil walang nababalitaang away ang basketbolista sa kanyang Italian girlfriend. Mayroon na rin silang anak na nagpapatatag ng kanilang relasyon.

Hindi naman ganun karami ang mga nakaraang relasyon ni Kris para hindi matukoy kung sino itong pahulaan niyang lalaki. Lahat nila ay happily settled na which leaves us to the most eligible guy na puwede at umaakma sa kanyang sinasabi, ang ama ng QC na si Mayor Herbert Bautista.

Kung ibang lalaki ba ‘yan ay huhulaan pa at pag-uusupan? Pero si Mayor Herbert ay isang makulay na pulitiko na bagay sa isang may makulay din na personalidad. Magkakatulungan sila sa anumang pasya na gagawin nila in the future na may kinalaman sa pulitika o showbiz man.

Kaya bakit hindi, Kris? You owe your heart this big chance na tumibok muli and in the process ay mapag-usapang muli, sa isang napaka-positibong pamamaraan.

Fans ayaw ipilit sina Barbie at Derrick

Muling malalagay sa sideline ang relasyong Barbie Forteza at Jak Roberto. Mayroon kasing gagawing proyekto si Barbie, ang Almost A Love Story, na iba na naman ang kasama niya, si Derrick Monasterio. Pelikula ito at hindi serye sa TV at kukunan sa abroad. Excited ang dalawang kabataang bida na na-link na noon, pero hindi nagkaroon ng kaganapan sa tunay na buhay.

Ayaw naman i-wish ng mga fans nila na humigit pa sa pagtatambal ang ma­ging relasyon nila dahil nga may commitment na si Barbie, pero inaasahan nila na tulad ng project nila ni Ken Chan ay mapatunayan ni Barbie na hindi magi­ging sagabal ang lovelife niya sa kanyang trabaho. 

Promo ng Gandarrapiddo sa EK, sablay!

Naapektuhan ang maraming  entertainment writers sa abala na ibinigay ng napaka­tinding traffic na sinagasa nila para lang makara­ting sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna sa paimbita ng Star Cinema ng presscon para sa Gandarrapiddo: The Revenger Squad nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Maski na ang cash na pa-raffle na ibinigay ni Vice Ganda ay hindi nakapagpahupa sa inip at pagod ng mga taga-media na kahit sinundo na at inihatid sa venue ng presscon ay kinailangang maghintay pa rin  ng mahabang oras dahil late rin na nagsidatingan ang mga artista ng pelikula. Paano hindi sasakit ang ulo ng mga dumalo, eh sa kabila lamang ng tent na pinagganapan ng presscon ay lubhang napakalakas ng tunog  na naririnig na gamit din ng isang kasabay na event. Bakit pinagtabi lang ang lugar at bakit pinagsabay? Kakaloka!!! Hindi tuloy naintindihan ‘yung mga pinagsasabi ng mga artista tungkol sa pelikula nila. Kakailanganin pa ng pangalawang presscon para sa promo ng movie. Sayang, kung mababalewala lang ang Enchanted Kingdom event na mas maaalala ng media ang naging kaganapan kaysa ang kasiyahan na ibinigay ng mga nahirapan ding mga artista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with