^

PSN Showbiz

Mega type na magkatuluyan sina Julia at Joshua

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nakumpirmang opisyal nang magkasintahan sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ikinatuwa ito ni Sharon Cuneta na kasamahang bida ng dalawa sa pelikulang Unexpectedly Yours.

Nasaksihan ng Megastar kung gaano kalambing sina Julia at Joshua sa isa’t isa habang ginagawa ang nasabing proyekto. Gusto raw ni Sharon na magkatuluyan bilang mag-asawa ang dalawa balang araw. “Sana matagal pa ‘to mangyari pero sana ang ending talaga ay sila ni Joshua. Because they really get along so well. May sarili silang mundo na kapag nag-uusap sila. Napaka-into each other nila na parang enjoy na enjoy silang may sarili silang mundo. Nakakatuwang panoorin,” pagbabahagi ni Sharon.

Pinayuhan din ng aktres si Julia na huwag kalilimutan ang pamilya sa lahat ng mga ginagawa ng dalaga. “Talagang everything is in the right place in your life and in your heart. Work will always come and go but your family, from your mother to your siblings, those are the ones that are going to be there forever,” paliwanag ni Sharon.

Hiwalay man ang mga magulang ni Julia na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ay pinupuri naman ng Megastar ang ginawang pagpapalaki ng ina sa dalaga. “I don’t need to say so much because her mommy, sobra akong nabilib kay Marjorie Barretto. Ang husay-husay ng pagpapalaki niya. Napakabuti niyang ina,” giit ng Megastar.

Jane maraming natutunan nang ma-stroke ang ama

Kamakailan ay na-stroke ang ama ni Jane Oineza at nagtagal din sila sa ospital. Ngayon ay nasa bahay na ang ama at maayos na raw ang pakiramdam nito ayon kay Jane. “Okay naman siya. Naging better na ‘yung condition niya, nakakapagsalita na siya, nakakagalaw na siya. Ngayon okay na po siya, nasa bahay po. For a time pumunta siya sa province for the rehab,” pagbabahagi ni Jane.

Natapos na ang therapy at umiinom na lamang ng mga gamot ang ama ng aktres ngayon. Aminado si Jane na marami siyang mga natutunan sa buhay dahil sa dinanas na pagsubok ng kanilang pamilya. “Siyempre do’n mo maaano (mauunawaan) talaga ‘yung life, ‘yung buhay ng isang tao, hindi mo alam kung kailan mawawala ang isang tao sa iyo. Ang da­ming pwedeng mangyari sa isang araw and ‘yon siguro mas mache-cherish mo lang ‘yung mga moments at mas mapi-feel mo lang kung gaano kaimportante ang oras,” paliwanag ng aktres.

Samantala, kinakabahan daw si Jane para sa pelikula nilang Haunted Fo­rest na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Malalaking mga pelikula at artista ang makakalaban nila sa takilya ngayong Kapaskuhan. “Kasi lahat ng mga nakita ko sa list ang bibigat ng mga kasama namin. Siyempre sila ‘yung yearly na nandiyan sa MMFF and at the same time ho­nored. Kasi part na kami ng list this year. May tiwala ako sa story namin, sa director namin at alam ko na maganda ‘yung ginawa namin for this film and do’n pa lang napa-proud na ako,” nakangiting pahayag ni Jane.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with