^

PSN Showbiz

Korean actor na kinababaliwan ni Jinkee retokado raw!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Na-insecure naman ako sa news na pupunta sa South Korea si Jinkee Pacquiao dahil isinama siya ng kanyang mister na si Manny Pacquiao.

Sure na sure ako na makikilala na ni Jinkee nang personal ang kanyang favorite Korean actor na si Ji Chang Wook.

Nakakainggit na in-acknowledge agad ni Ji Chang Wook si Jinkee kaya sigurado ako na favorite rin niya ang Pambansang Kamao na sikat na sikat sa Korea.

Wish ko lang, magawan ng paraan ni Jinkee na magkita kami in person ni Jo In-Sung sa pamamagitan ni Papa Manny.

Ang makita ko nang personal si Jo In-Sung ang hihingin ko na Christmas gift mula sa Pacquiao couple. 

Sikat na Korean actor din si Ji Chang Wook na paboritong-paborito ni Jinkee.

Iniintriga si Ji Chang Wook na sumailalim sa plastic surgery dahil malaki ang ipinagbago ng mukha niya.

Sa kabila ng tsismis na ipinaretoke ni Ji Chang Wook ang kanyang ilong, eyelid at labi, hindi ito naging dahilan para talikuran siya ng loyal fans. Lalong na­dagdagan ang bilang ng mga tagahanga ni Ji Chang Wook itsurang naglabas ang detractors niya ng kanyang before-and-after pictures.

Nasa military training si Ji Chang ngayon pero hindi ko alam kung meron silang Christmas break.

AiAi humirit pa ng trabaho bago pakasal

Ang sipag ni AiAi delas Alas ha? Bukas na ang church wedding nila ni Gerald Sibayan pero sumipot pa rin siya kahapon sa live show ng Sunday PinaSaya.

Imbes  na mag-beauty rest para sa big day sa buhay niya, nagtrabaho pa rin ang Comedy Queen na binigyan ng bridal shower sa Sunday noontime show ng GMA 7.

Hindi lang ako sure kung pagkatapos ng Sunday PinaSaya, nag-check in na si AiAi sa hotel na malapit sa simbahan na pagdarausan ng kasal nila ni Gerald.

Jennylyn mainit ang Pasko

Inamin ni Jennylyn Mercado na mainit at hindi malamig ang Pasko niya sa kanyang guesting kahapon sa Sunday PinaSaya.

Siyempre, alam naman ng lahat na ang kanyang boyfriend na si Dennis Trillo ang nagpapainit kay Jennylyn, Pasko man o hindi.

Umapir si Jennylyn sa Sunday PinaSaya dahil nag-promote siya ng All of You, ang pelikula nila ni Derek Ramsay na isa sa mga kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang All of You na second movie team up nina Jennylyn at Derek.

Wendell pinalaki muna ang mga anak bago nagpakasal

Pinakasalan ni Wendell Ramos noong Sabado ang kanyang longtime partner na si Kukai Guevara.

Tahimik ang naganap na kasalan na dinaluhan ni Perry Lansigan, ang manager ni Wendell, Joey Marquez, Antonio Aquitaña, Dingdong Dantes at ng malalapit na kaibigan ng groom at bride.

Matagal na ang relasyon nina Wendell at Kukai, malalaki na rin ang kanilang mga anak. Kahit artista si Wendell, very private ang personal life niya kaya marami ang nagulat nang malaman nila na nagpakasal ang aktor noong December 9 sa National Shrine of Mary Help of Christian sa Parañaque City at ang Shangri-La The Fort naman ang venue ng wedding reception.

Staff ng TV show na magre-reformat, kanya-kanya na ng hanap ng fallback

Malungkot ang staff ng isang television show dahil sa sad news na magkakaroon ng major reformat sa kanilang programa.

Sad ang staff dahil feel na feel nila na marami sa kanila ang mawawalan ng trabaho na epekto ng magaganap na reformat.

Bago pa dumating ang araw na kinatatakutan nila, nag-uumpisa nang maghanap ng bagong work ang staff para may fallback agad sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with