PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Negosyong mumurahin ni Nash pumatok!

Isa si Nash Aguas sa mga artista na minamaneho ng Production 56, Inc., isang management agency na pag-aari at pinamumunuan ni direk Maryo J. delos Reyes.

Kasama niyang alaga ng kumpanya sina Cong. Yul Servo, Ruru Madrid, Miggs Cua­derno, Neil Ryan Sese, Orlando Sol, Leandro Baldemor, Mas­culados, Barbara Miguel, Romano Vasquez, Will Ashley de Leon, Nafa Hilario Cruz, Xyruz Cruz, John Raspado, at Trio Tagapayo, isang grupo ng mga kabataang lalaki na sumusubok din sa pag-aartista.

Wala marahil hindi nakakikilala sa binatil­yong artista dahil nagsimula siya ng kanyang karera bilang isang child star. At kung hindi marahil siya nagpakita ng hu­say sa pag-arte ay baka hindi siya umabot sa punto na 19 years old na, pero patuloy pa rin sa trabaho at ibini-build up bilang bahagi ng loveteam kasama si Alexa Ilacad. Napapanood sila sa kasalukuyan sa The Good Son ng ABS-CBN.

Mami-miss ng fans niya si Nash dahil sa US ito magpa-Pasko. Bibisitahin nila ang lola niya sa mo­ther side at dun na rin nila palilipasin ang Kapaskuhan. Sasamantalahin na rin niya ang pagkakataon para makipagkita sa kanyang ama. Pagbalik niya ay aasikasuhin naman niya ang isang mini-series na ipoprodyus at ididirek niya para sa I Want TV.

Ang paghahanda rito at pag-aaral din ng mga nararapat gawin ang siyang pagbubuhusan niya ng panahon. May katulong man siya sa pagpapatakbo ng kanyang noodle house na Muramen ay per­sonal niyang aasikasuhin at pupuntahan ang pagbubukas ng ikatlong branch nito sa Dumaguete. Maganda na ang takbo ng dalawang naunang branch ng Muramen sa university belt sa Maynila at isa pa sa Makati.

Direk Maryo hindi nagkamali kay Yul

Isa si Cong. Yul Servo ng 3rd District of Manila sa maagang nagpa-Christmas sa media. Isinabay na niya ito sa pa-Christmas din ng kumpanya at artist management company ni director Maryo, ang kumumbinse sa kanya na pasukin ang pag-aartista noong panahon na katatapos pa lamang niyang mag-aral ng criminology at balak mag-pulis. Nakita siya nitong nagsu-swimming at dahil patpatin, pi­nayuhang magdagdag muna ng tim­bang at mag-workshop. Pumunta siya ng US para magtrabaho at balak nang pumirme, pero muli, ay nakumbinseng umuwi rito at mag-artista. Hindi naman nagkamali si direk Maryo, isang taon pa lamang siyang artista ay tumanggap na ng award at nagkasunud-sunod na ito. Ang direktor din ang unang tumutol nang magpasya siyang pumasok ng pulitika. Pumayag lamang ito nang ma­nga­ko siya na hindi kailanman mangungurakot. Pi­nangangatawanan niya ito hanggang ngayong nakakailang termino na siya sa Kongreso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Alex binigyan ng kidney ni Hero

Sa kabila ng hindi na gumaganang kidney ay patuloy si Riza sa kanyang pagtahak sa isang normal na buhay. Nakilala niya si Joel na sa sobrang pagmamahal sa pamilya ay wala nang itinitirang kita para sa sarili. Tinuruan siya ni Riza na mag-enjoy sa kanyang buhay.

Lumala ang sakit ni Riza at kinailangan ng kidney donor, nagprisinta si Joel at sa gitna ng pagtutol ng kanyang pamilya ay naisagawa ang isang operas­yon. Limang taon nang maligaya sa pagsasama ngayon sina Riza at Joel.

Nasa direksyon ni Ted Boborol ang episode bukas ng Maalaala Mo Kaya. Istorya ni Joan Habana at tampok sina Alex Gonzaga, Hero Angeles, Alan Paule, Isay Alvarez, Simon Ibarra, Ynez Veneracion, Zeppi Borromeo, Mikylla Ramirez, Nikki Gonzales, David Chua, at Lao Rodriguez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: