PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinay kinoronahanG Miss Tourism Int’l 2017 sa Malaysia ; Dapat mag-alala, Maine hindi nami-miss sa EB!

SEEN: Miss Tourism International 2017 si Miss Philippines Jannie Loudette Alipo-on. Ginanap noong Miyerkules sa Langkawi, Malaysia ang coronation night ng Miss Tourism International, ang beauty pageant na hindi masyadong kilala ng mga Pilipino.

SCENE: Ang ex-beauty queen at aktres na si Joanne Quintas ang pinakasikat na Pilipina na nanalo ng Miss Tourism International title noong 1997. Si Joanne ang 1995 Binibining Pilipinas-Universe title-holder.

SEEN: Ang kanyang rumored boyfriend na si Inigo Pascual ang gusto ni Maris Racal na imbitahan para panoorin ang Haunted Forest. Isa si Maris sa apat na bida sa pelikula na official entry ng Regal Multimedia, Inc. sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SCENE: Bukas ang grand presscon ng Gandarrapido: The Revenger Squad sa Enchanted Kingdom. Isasabay ang presscon sa “ex-deal show” nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach sa theme park ng Sta. Rosa, Laguna.

SEEN: Isinilang ni Bangs Garcia sa London noong December 5 ang baby daughter nila ng kanyang asawa na si Lloyd Birchmore. Amelia ang pangalan na ibinigay nina Bangs at Lloyd sa kanilang panganay na anak.

SCENE: Ngayong hapon ang awarding ce­remony ng mga belen na nanalo sa 10th Belenismo sa Tarlac, ang belen-making contest sa pro­binsya ng Tarlac. Special guests sa Belenismo sa Tarlac Awards Night sina Jona Viray, Arron Villaflor, Julie Anne San Jose, Wally Bayola, at Jose Manalo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Hindi bagay na mag-ina sa Larawan sina Celeste Legaspi at Zsa Zsa Padilla dahil parang magkapatid lamang sila. Official entry ang Larawan sa 2017 Metro Manila Film Festival.

SCENE: Hindi nami-miss si Maine Mendoza ng Eat Bulaga viewers. Hindi dapat mawala nang matagal si Maine sa Eat Bulaga dahil out of sight, out of mind.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: