PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sikat na tambalan hindi nakabangon nang magkahiwalay!

Gabi ng pag-alala ang pinagsaluhan ng isang malaking grupo ng mga nagtatrabaho sa mundo ng telebisyon nu’ng isang gabi. Parang bonding na rin nila ‘yun ngayong malapit na ang Pasko.

Naka-full circle na kasi ang marami sa kanila, nakapagtrabaho na sila sa lahat ng TV networks, kaya alam na alam na nila ang ugali ng mga personalidad na nakatrabaho nila.

Ang una nilang binalikang kuwento ay ang sikat na tambalan nu’n ng magkarelasyong male at female TV personalities. Sinubaybayan ng bayan ang kanilang programa nu’n.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Sayang ang partnership nila, ‘no! Kung nand’yan pa rin sila ngayon, kabog pa rin nila ang mga namamayagpag na celebrity shows d’yan! Pareho kasi silang maga­ling.

“Parang nagkokontrahan sila sa ere, may ganu’n silang atake, pero nakagaganda sa show nila ang pagtatalo nila. At the end of their show, nagkakasundo rin sila, iisa lang pala ang view nila sa mga topic na tinatalakay nila,” sabi nito.

Komento naman ng isang nandu’n, “Mas masarap katrabaho ang guy. Mahusay siyang makisama, mabait siya, maalaga siya sa staff. Siya ang nakakabiruan namin, siya ang nakakakuwentuhan namin tungkol sa kung anu-anong issues.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Medyo ilang kami sa girl. May kahirapang ispilengin ang babaeng ‘yun, may sarili siyang mundo, palaging siya ang tama. Hindi siya nakikinig sa suggestion na ibinibigay ng production staff.

“Kung ano ang sinasabi niya, ‘yun ang kailangang mangyari, kahit pa may mas magagandang ideas na isine-share ang mga tao sa paligid niya. She doesn’t listen, pero ang male personality, nagbibigay ng importance sa mga sinasabi ng staff.

“Kaya mas maraming close sa guy. Kumportable kasi siyang katrabaho, unlike the girl na ang tingin sa sarili niya, e, pinakamatalino na siya sa buong mundo!

“Sayang talaga, nabuwag ang tambalan nila, gustung-gusto pa naman ng televiewers ang tandem nila. Kung magkasama pa rin sila ngayon, naku, marami pa rin silang mapapataob!

“Wala nga kasing forever, walang panghabambuhay, pana-panahon lang talaga ang lahat ng bagay at kaganapan,” nalulungkot na pag-alala ng aming source.

Ubos!

Kris binibira sa biglaang pagkaadik sa Korean boy band

Ayan, pinupupog na naman ng kanyang mga bashers si Kris Aquino. Ang agahan, tanghalian at hapunan niya na naman ngayon, kasama na ang midnight snack nilang mag-iina, ay pagkapait-pait na apdo at ampalaya.

Ikinagugulantang kasi ng mga netizens ang biglang paghanga ni Kris sa Korean Boy Band na BTS, kumbaga sa boxing ay hindi muna siya dumaan sa practice, sumalang na agad siya sa lona.

Sabi ng isang basher ni Kris, “Naku, nakikisakay na naman siya sa kasikatan ng BTS! Wala naman siyang kahilig-hilig dati sa mga Korean Boy Band, ‘di ba? Pero bakit todo-support na siya ngayon sa BTS? Porke sikat sila worldwide?

“Ito talagang babaeng ito, napakahilig makiangkas sa popularity ng iba! Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para lang mapag-usapan siya! Palibhasa, e, wala siyang show, kaya para maging relevant pa rin siya, kahit ano na lang, e, gagawin niya!” inis na sabi ng isang walang nakikitang maganda sa mga ginagawa ng aktres-TV host.

Meron pa namang anekdota tungkol kay Kris na hanggang ngayo’y pinagpipistahan sa mga umpukang-showbiz. Paggising daw niya ay agad na niyang tatanungin ang kanyang staff, “Who’s sikat today?”

Ganu’n daw. Kapag may sinabing personalidad ang kanyang staff ay may kasunod na agad ‘yun, “You send her something. Sabihin mo, ipinadala ko and I like her,” ganu’n ang kuwento.

Nakakaloka! Kung babalikan mo nga naman ang nakaraan ay mapapatunayan mo na ang mga kinakaibigan ni Kris ay mga sikat na personalidad. Kung sino ang sikat, kung sino ang iniibig ng publiko, ay bini-BFF niya. Nakikipag-close siya.

Ano kaya ang maikokomento ni AiAi delas Alas, may panahon pa kayang magkomento ang Comedy Concert Queen, ngayong ilang tulog at gising na lang ay haharap na sila sa altar ni Gerald Sibayan?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: