PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sharon nami-miss pa ang kalahati ng sarili!

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang Unexpectedly Yours na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Masayang-masaya ang Megastar sa pagbabalik-pelikula dahil tumabo sa takilya ang nasabing proyekto bago pa magtapos ang taon. “Totally unexpected. I thought the year wouldn’t end any differently than it has started. I really didn’t think I would be given a chance to shine again in a movie like this. I did my first indie film (Ang Pamilyang Hindi Lumuluha) but that’s totally different from a mainstream commercial movie,” nakangiting pahayag ni Sharon.

Matagal-tagal ring namahinga ang aktres sa paggawa ng mga pelikula kaya naman naging emosyonal nang mag-guest kamakailan sa Tonight with Boy Abunda at nabanggit nitong ‘I miss me.’ “When I said ‘I miss me’ I wasn’t really referring to my career. So now I’m pretty okay, but I’m still missing that half (of me). I’ve always, well I’ve ne­ver had that half I always wanted anyway,” paliwanag ng Megastar nang mag-guest sa ANC o ABS-CBN News Channel.

Derek nagulat nang batiin ni Angelica

Magkaibigan nang muli ang dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Nakapag-uusap na ulit ang dalawa ngayon ayon sa aktor. “Nakausap ko si Angel just when I got back from Italy. Kasi kasama niya ‘yung kaibigan ko sa Siargao. Pagtawag ko sa kaibigan ko, siya ‘yung sumagot. ‘Uy! Kamusta?’ I haven’t spoken to her in a long time,” nakangiting kwento ni Derek.

Para sa aktor ay nahilom na lang ng panahon ang mga hindi nila pagkakasunduan noon. “Time rin lang talaga. She greeted me one time on my birthday, and out of the blue, I gave her a call,” banggit ni Derek.

Sa ngayon ay wala pang kasintahan si Angelica matapos ang hiwala­yan ng aktres at John Lloyd Cruz noong isang taon. Si Derek naman ay kasama na sa bahay ang non-showbiz girlfriend.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umaasa raw si Derek na makakakilala rin si Angelica ng lalaking tunay na magmamahal sa aktres. “Angel will be okay. Angel will find the right guy. Imposibleng she doesn’t. She’s a wonderful lady, she’s a sweetheart. So she’ll find the right man and that’s what I hope for her to find the right guy who’ll treat her right,” pagtatapos ni Derek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: