PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tatlong Miss U ‘sumisipsip’ para sa 2018

Iris, Demi-Leigh, at Pia  

Nakikipagsabayan sa kaaligagaan ng Pasko!

Nakikipagsabayan ang tatlong Miss Universe - Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kaabalahan ng mga Pinoy sa Pasko.

Panay ang rampa nila kung saan-saan.

Eh aligaga na nga ang lahat sa traffic, Christmas parties, shopping, at kung ano-anu pa dahil nga ang bilis ng panahon, Christmas na agad-agad.

Dumating sa bansa ang grupo ng Miss Universe dahil hinihiritan nila ang Department of Tourism na dito na lang uli sa Pilipinas ganapin ang Miss U 2018.

Big deal nga naman sa atin ang Miss U at excited ang lahat na nakita nila noong 2016 samantalang ang katatapos na Miss U sa Las Vegas ay sa maliit na venue lang ginanap ang preliminary round.

Nabawasan ng ningning ang Miss U nang pakawalan ni now US President Donald Trump ang nasabing beauty pageant na sinasabing pinaka-prestigous sa lahat ng beauty contest.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Heart Evangelista

Paano na ang baby? Heart naghahanda sa major painting exhibit

Planado na ang 2018 ni Heart Evangelista. Bukod sa binabalak na baby nila ni Sen. Chiz Escudero, ayon isang malapit kay Heart naghahanda na rin ito para sa isa na namang major painting exhibit next year. At ilu-launch pa ang sarili niyang bag and kitchen lines.

Parang kailan lang nang aminin ni Heart na sobra ang nerbiyos na nararamdaman niya sa kanyang unang painting exhibit.

“When I came out with my first exhibit, I was extremely nervous. I didn’t want them to see me. I wanted them to see my soul,” sabi ni Heart sa interview.

Sa Ayala Museum ginanap ang kanyang first solo exhibit at nagkaroon din siya sa Galerie Joaquin in San Juan City. Pero major achievement na itinuturing niya ang Love Marie exhibit sa Chan Hampe Galleries sa Singapore.

Ngayon, hindi na lang siya basta artist dahil naging matagumpay din ang pagpipinta niya sa mga Hermes bag at maging sa mga gown na gawa ni Mark Bumgarner.

Kitang-kita rin ang pagiging artist niya sa ipinagawa niyang dream house.

Bagama’t snippets pa lang sa mga bahagi ng bahay niya ang sini-share niya sa kanyang Instagram account kita naman kung gaano kaganda at ka-artistic ang bawat bahagi nito.

Wait, magka-oras pa kaya si Heart na mabuntis next year?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: