^

PSN Showbiz

Robin kabado sa pagiging uber driver ni BB sa Amerika!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Robin kabado sa pagiging uber driver ni BB sa Amerika!

BB Gandanghari

MANILA, Philippines — Suma-sideline palang Uber driver sa Amerika si BB Gandanghari.

Binuko kahapon ni Robin Padilla sa Umagang Kay Ganda ang raket ng kapatid na dating lalaki na ngayon ay certified babae na.

Isa kasi si BB sa mga nag-congatulate kay Robin sa huge success ng comeback movie nila ni Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours.

Say ni Robin nag-aalala nga siya sa kapatid na kasabayan niyang lumaki at 80% ng away niya noon ay dahil sa dating si Rustom Padilla dahil madalas nang tuksuin noon pa man.

 “Nandoon siya sa America nakikipagsapalaran. Uber driver siya doon. Medyo kinakabahan lang ako dahil siyempre America ‘yun. Hindi ko naman kabisado ang mga tao doon. Kung saan-saan siya minsan pumupunta. Nagko-cross country siya para sa mga hindi niya kilala. Okay na okay si BB,” sabi ng aktor kahapon sa morning show nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros and Karla Estrada.

Pero ang sabi ni BB sa video greetings niya sa kapatid na action star bukod sa pagbati sa kapatid, on the way daw siya sa audition at sana raw ay ipagdasal siya.

Kailan nga kaya siya magkaka-career sa Amerika?

Sarah magiging busy ang 2018

Bukod sa pelikulang 20 Again na nag-umpisa na ang shooting, nag­hahanda na rin si Sarah Geronimo para sa kanyang major concert early next year.

From the Top pa ang last concert ni Sarah noong 2015 kaya naman sabik na ang fans na mapanood ulit siya na humahataw sa entablado.

Kung ang From the Top ay more on original songs, this time pasabog umano ang mga production number with Teacher Georcelle na naging mentor ni Sarah sa galing sa sayawan.

To date,  ay mas busy si Sarah sa shooting ng 20 Again, ang Pinoy adaptation ng Korean hit movie na Miss Granny. January ang target playdate ng pelikula ayon sa isang Viva Films insider.

Bukod pa ito sa US concert tour ni Sarah next year.

Meaning magiging abala siya next year.

So malabo pa talaga ang iniisip ng ibang fans na pakakasal na si Sarah sa boyfriend niyang si Matteo Gudiceilli.

Maestra nakakaantig ang kuwento

Nakakaantig ng damdamin ang pelikulang Maestra na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan sa December 8 via Cine Lokal  – SM Megamall, SM Manila, SM Sta. Mesa, SM MOA, SM North EDSA, SM Fairview, SM Southmall and SM Bacoor.

Tribute ito sa mga mahal nating guro na ginagawa ang lahat para sa kanilang trabaho.

Very inspiring ang kuwento ng tatlong henerasyon ng mga teacher na nasa iba’t ibang bahagi ng career na nagpakita ng kakaibang commitment and dedication sa kanilang profession.

Sa kabila ng sobrang kahirapan ng isang dalaga na si Iah Seraspi na anak ng isang fisherman from Romblon ay naging topnotcher siya sa board exams for teachers. Sinikap talaga si Iah na makatapos ng pagiging guro para matulungan ang kanyang pamilya. Tiniis niya ang lahat hindi lang tumigil sa pag-aaral.

Isa namang nanay si Gennie Panguelo, na Aeta-Ilocano na nagtuturo sa isang eskuwelahan sa tuktok ng Pinatubo Valley for more than 25 years. Naka-20 retakes siya bago tuluyang pumasa sa board exam.

Halos 6 to 8 hours ang kailangan niyang lakarin  para makarating sa nasa­bing eskuwelahan.

Ang isang lola naman ay nasa takip-silim na ng kanyang buhay pero nandun pa rin ang passion niya sa pagtuturo, si Espier Bautista, isang former high school principal, college dean and an inspirational speaker na mahigit 80 years old na pero ayaw pa ring mag-retire sa pagtuturo.

Si Carl Balita ang producer ng pelikula na may-ari ng isang review center sa buong bansa kung saan nagkita-kita ang tatlo na tinuring na hindi lang noble profession ang pagiging guro kundi ginawa itong vocation, directed by Lem Lorca. Bida sa Maestra sina Anna Luna, Angeli Bayani and Gloria Sevilla.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Maestra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with