^

PSN Showbiz

Robin nagmatigas sa gustong mangyari kina Aljur at Kylie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula ang tampuhan ng mag-amang Robin at Kylie Padilla mula nang makumpirmang buntis ang aktres noong January. Nitong August ay ipinanganak na ni Kylie ang panganay nila ni Aljur Abrenica. Masaya naman daw si Robin sa pagkakaroon ng apo mula sa magkasintahan.

Kamakailan ay nagkita ang mag-ama sa 1st birthday celebration ng anak nina Robin at Mariel Rodriguez. Ayon kay Robin ay mas hinangaan niya ngayon si Kylie. “Lalo ko siyang hinangaan. Noong una, akala ko hindi kaya nito. Ano lang ito, ‘Pag-ibig na nagkamali’ pero hindi ganoon. Pinatunayan niya sa akin na, ‘Kaya ko at hindi mo kailangang mag-alala,’ napakatapang,” pagbabahagi ni Robin.

Para sa aktor ay nakikita raw nitong masaya ngayon si Kylie sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Umaasa rin si Robin na makapagpapakasal sina Kylie at Aljur sa mga susunod na taon. “Sana lang mas lumawak ang kaisipan niya sa usapin ng doing what is right. Maganda maging mag-asawa. Wala naman pinakamagandang regalo pa sa apo ko kung hindi nakataas ang noo niya at ang kanyang mga magulang ay legal, sa harap ng Diyos at harap mo,” makahulugang pahayag ni Robin.

Kamakailan ay humingi ng tawad si Aljur kay Robin nang mag-guest ang bagong Kapamilya star sa amin sa Tonight with Boy Abunda. “Kung mapapanood niya man ito, kung may nagawa man ako na sa tingin ninyo ay hindi maganda or naging kasalanan ko, humihingi na po ako ng sorry sa inyo,” emosyonal na mensahe ni Aljur.

Coco hindi naghahangad na pataubin si Vice

Bukod sa pagiging bida ng pelikulang Ang Panday ay si Coco Martin din ang tumatayong direktor at prodyuser nito. Ayon sa aktor ay talagang nahirapan siyang gawin ang lahat ng mga tungkulin upang mapaganda ang nasa­bing proyekto. “Ang hirap, dugo, pawis talaga ang puhunan namin. Kasi ang hirap din ng mga location namin tapos ma­lalaki ang mga eksena. ‘Pag direktor ka mag-focus ka lang sa eksena, ‘pag producer ka iko-consider mo kahit ang weather, ang mga artist mo. Siyempre aktor ako, ayaw ko ‘yung naiinip sila. Kung kumain na ba sila? Kung okay ba ‘yung pagkain? Kung lahat ay okay,” nakangiting pahayag ni Coco.

Makakalaban ng pelikula ng aktor ang Gandarrappiddo: The Revengers Squad na pinagbibidahan naman ng malapit na kaibigan na si Vice Ganda. Hindi na raw hinahangad ni Coco na manguna sa takilya ang kanyang pelikula ngayong Metro Manila Film Festival. “Ang gusto ko lang, ma-appreciate ng mga tao ang ginawa ko at pinaghirapan namin. Sabi ko nga noon sa sarili ko habang ginagawa namin, ‘Ito bang pelikulang ito, ginagawa ko para sa sarili ko o para sa viewers ko?’ And nag-decide talaga ako na para talaga ito sa mga tao,” paliwanag ni Coco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with