^

PSN Showbiz

Kathryn naninibago sa pagiging CEO!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tatlo na ang branches ng nail salon na pagmamay-ari ni Kathryn Bernardo. Unang nagbukas ang KathNails by KCMB sa The Block ng SM North EDSA noong May at pagkatapos ng ilang buwan ay nagbukas na rin ang SM Mall of Asia at Ayala Malls Cloverleaf branches.

Hilig daw talaga ni Kathryn na magpaganda ng mga kuko kaya nail salon ang naisip niyang itayong negosyo. “Ever since fan ako ng nice na brands ng nail polish. Usually no’ng bata ako, sumasama talaga ako kay mama ‘pag nagpapa-nails siya,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Ang aktres ang tumatayong CEO o Chief Executive Officer ng sariling negosyo. Naninibago raw si Kathryn sa pagpapatakbo ng kanyang mga nail salon dahil ibang-iba ang tungkulin nito sa pagiging artista. “Naninibago ako sa mundo na ‘to and I’m very lucky kasi nandiyan sina Mama (Min Bernardo) to guide me. Kasi importante rin na matutunan ko ‘to,” giit ng dalaga.

Kung papalarin ay pinapangarap daw ni Kathryn na makasosyo si Daniel Padilla sa isang restaurant o bar. Kasosyo ng aktor sina Vice Ganda, James Yap at ilan pang malalapit na kaibigan sa District 8 Manila gastropub na nagbukas noong August. “Sana soon, ‘pag magtuloy-tuloy, ‘pag maganda lahat, why not ‘di ba? Maybe a restaurant,” pagtatapos ng dalaga.

Coco pinagsabay sina kylie at Mariel

Ang Binibining Pilipinas International 2017 na si Mariel de Leon at Miss International 2016 na si Kylie Verzosa ang dalawang leading ladies ni Coco Martin para sa pelikulang Ang Panday. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimulang mapanood sa Pasko.

Paano ba pinili ni Coco ang dalawang beauty queens upang kanyang makapareha sa nasabing pelikula? “Isang araw, nagte-taping ako ng Ang Probin­syano, naroon ako sa tent. Mayroon akong maliit na TV doon, biglang ipinalabas si Mariel sa Magandang Buhay. Tapos sobrang gandang-ganda ako sa kanya. So paglabas ko ng tent, sabi ko sa EP (Executive Producer) ko, si Malou Crisologo, ‘Tiyang, mayroon na akong leading lady,’” kuwento ni Coco.

“Si Kylie naman, noong na­nalo siya sa Miss International, pinangarap ko ring makatrabaho. Pumasok naman siya, bagay siya sa role,” dagdag pa ng aktor.

Isang diwata ang role ni Kylie habang si Mariel naman ang katambal ni Coco sa mundo ng mga tao sa pelikula. Nagulat at napahanga ang aktor dahil sa galing sa pag-arte ng dalawang dalaga na parehong baguhan pa lamang sa pag-aartista. “Kay Mariel nagulat ako, hindi ko akalain na marunong siyang umarte. Siguro because of Tito Boyet and Tita Sandy (de Leon, Andolong, mga magulang ni Mariel). Kay Kylie naman, napakanatural. Every time na nag-uusap kami, gusto niya talagang umarte. Kaya noong gina-guide ko siya kung paano ang gagawin niya, hindi ako nahirapan,” pagbabahagi ni Coco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with