^

PSN Showbiz

Piolo mas gustong panoorin si Inigo kesa makatrabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa nagkakasama sa isang malaking proyekto ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual. Ayon kay Inigo ay gusto raw muna ng ama na mamayagpag nang tuluyan ang kanyang career bilang solo artist.

“My dad, he wants to watch me perform. Ayaw niya na nasa backstage siya. He wants me to become my own person, be my own artist. So I appreciate that about my dad,” nakangiting bungad ni Inigo.

Kung ang singer-actor lamang ang masusunod ay matagal na raw niyang gustong makatrabaho si Piolo. “Sana in the future I will be able to work with him for a song. We have a song before pero sobrang bata pa ako no’n, pero sana we will be able to work on at least a song together or even a performance on ASAP. Nami-miss ko ‘yun, nami-miss ko to perform with my dad. As a kid talagang siya ‘yung role model ko. Kung mabigyan ka ng chance to perform with si lodi, si Papa P, I want to perform with him. I want to collaborate with him,” pagbabahagi ni Inigo.

Nangangarap din ang binata na makapagsulat ng isang kanta para sa ama.

Jon ramdam na ramdam ang pagkawala ng ina

Ramdam na ramdam daw talaga ni Jon Lucas na nagkaroon ng kulang sa kanyang buhay dahil sa pagkamatay ng ina dalawang buwan na ang nakalilipas.

Namatay ang ina ng miyembro ng Hashtags dahil sa brain aneurysm sa edad na sikwenta. “Sobrang malaking bawas talaga ‘yon sa life ko. No’ng nag-collapse siya no’ng magkasama kami and then ni-rush namin siya sa hospital, na-revive pero walang reaction. So hindi na talaga nagkamalay hanggang sa kinabukasan ng gabi. Sinabi ng doctor na wala na raw talaga, mag-decide na nga raw. Si daddy na ‘yung pinauna ko, hanggang sa pinasundo na kami magkapatid. Pagdating namin do’n nakita ko nga wala na ‘yung mga life support, parang pinasa-Diyos ko na lang,” emosyonal na kuwento ni Jon.

Aminadong mama’s boy ang aktor kaya naman ang ina ang katabi sa pagtulog hanggang sa nagbinata siya. “Kasi ang sandalan ko talaga mula bata ako nanay ko talaga. Kahit saan ako magpunta, kahit ano’ng gawin ko lagi siyang nandiyan for me. Wala ako kahit kailan sariling kuwarto, magkatabi kami lagi sa bahay,” pagtatapat ni Jon.

Kamakailan ay namatay din ang kasamahan sa Hashtags na si Franco Hernandez kaya ipinagpapasa-Diyos na lamang ni Jon ang mga malulungkot na pangyayari. “Nandito pa rin ako buhay, and nandiyan pa naman ‘yung daddy ko and sister ko, parang life goes on. ‘Yung kay Franco naman nakakalungkot pero kailangan talaga naming tuparin ‘yung mga pangarap namin bilang individual and of course as a group,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with