PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Gladys at Sharlene, nabiktima ng paninirang puri

MANILA, Philippines — Pagbibintangang mamamatay tao at mangkukulam ang mag-inang karakter nina Gladys Reyes at Sharlene San Pedro ngayong Sabado (Nov 25) sa hit legal drama ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo.

Bagong salta lamang ang mag-inang sina Cristy (Gladys) at anak na si Ria (Sharlene) sa Maynila nang napagdesisyunan ni Cristy na magtinda ng herbal na gamot at mag-home service na masahe para masuportahan ang pag-aaral ni Ria. Naging maayos at tahimik naman ang pamumuhay ng mag-ina. Ngunit nagbago ang lahat nang kumalat ang malisyosong balita na sila’y mga aswang at mangkukulam.

Tumindi pa ang mga haka-haka nang biglang nagkasakit ang kaklase ni Ria na si Jill (Vivoree Esclito) na minsan ng nakaalitan ng dalaga. Imbis sa doctor ay dinala si Jill  sa isang albularyo kung saan pinagdiinan pa ng albularyo na si Cristy nga ang may sala sa kanyang pagkakasakit. Dahil dito, pati ang biglang pagkamatay ng ilang kapitbahay ay sinisi na rin kay Cristy.

Paano lilinisin ni Cristy ang kanyang pangalan? Matul­dukan na kaya ang lahat sa pagsampa niya ng kaso sa mga nanira sa puri niya?

Huwag palampasin ang episode ng Ipaglaban Mo na pinamagatang Kulam sa ilalim ng direksyon ni Eduardo Roy Jr. ngayong Sabado (Nov 25), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch. 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM Tele­Radyo at DZMM Radyo Patrol 630.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: