^

PSN Showbiz

Mocha inaayunan ng suwerte!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sino nga ba ang tatanggi sa isang na­pakagandang pagka­ka­taon, lalo’t hindi mo pinangarap at dumating lamang nang hindi inaasahan?

Nangyari ito kay Mocha Uson, na dahil sa kanyang pagsuporta kay Pangu­long Rodrigo Duterte ay nabiyayaan ng mahalagang posisyon sa gobyerno bilang Communications Assistant Secretary, pero ganito kaaga ay nabigyan ng pagkakataon na tumanggap pa ng mas mataas na posisyon kapag nanalo siya bilang senador sa susunod na halalan. Kasama siya sa talaan ng mga senato­riables sa ilalim ng partido ni DU30. Sa halip na paapekto sa hindi magagandang reaksyon at komento, nagpasya ang kontro­bersyal na Asec. na kumuha ng kurso sa batas bilang paghahanda sa kanyang kakaharaping hamon.

Kung inaakala ng lahat ay nagmamagaling lamang siya dahil hindi kaka­yanin ng panahon at trabaho niya ang pumasok pa ng eskwela nagkakamali kayo. Ayon sa katotong Jun Nardo na isa ring abogado ay may mga eskwela na nagbibigay ng espesyal na klase sa mga kumukuha ng abogasya at kailangang pumasok lamang tuwing Sabado at Linggo. Ngayon n’yo sabihin na hindi umaayon kay Mocha ang panahon at suwerte.

Rachel masaya kahit ’di makabingwit ng korona

Matalo man sa Miss Universe ang kandidata nating si Rachel Peters ay masaya na siya na malamang sinusuportahan siya ng mga Pilipino at paborito nila siyang kandidata. Pero tanggapin din natin ang katotohanan na hindi hawak ng Pilipinas ang kalamangan at monopolya sa ganda at dunong.

Magaganda na rin at very smart ang mga repre­sentative ng mga kapatid nating bansa sa Asya, tulad ng Thailand, Korea, at Indonesia. Kapalaran na lamang ang magdidikta. At anumang pananabotahe ang gawin sa ating kandidata kapag siya ang nakatakdang magwagi, siya pa rin ang mananalo. Kaya wait na lang tayo, pero nakaboto na ba kayo online?

Angelica at Sam baby na ang tawagan

Inili-link ngayon sina Angelica Panganiban at Sam Milby dahil lamang may ginawa silang music video na nagtatampok ng maraming eksena ng halikan, pero kung papaniwalaan ang nagdirek ng video na si John Prats ay kulang pa kung tutuusin. Ibinigay nang lahat nina Angge at Sam  ang lahat nilang makakaya para mapaganda ang video na isa sa mga produkto ng bagong tatag  nilang kumpanya na Bright Bulb Productions. Pero more than  business partners, “Baby” ang tawag ni Angge kay Sam na hindi pa sigurado kung may karelasyon pa o wala na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with