PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres at dyowang non-showbiz umaatikabo ang murahan ‘pag nag-aaway!

PIK: Ipinagkibit-balikat na lamang ni Joel Cruz ang ilang namba-bash sa kanya dahil sa uniform na ipinasuot niya sa dalawang yaya noong pinabinyagan ang bunsong kambal niyang sina Charles at Charlotte.

May concept nga raw silang Filipino-Russian, kaya pinasuot niya ng uniform ng Russian nanny ang dalawang yaya.

Hindi naman daw sa suot nakabase ang tamang pagtrato sa mga empleyado niya. Nakikita namang nagtatagal ang mga nagtatrabaho kay Joel.

Pagkatapos ng binyagan, in-announce na rin ni Joel na may kasunod na raw siyang anak na ipinagbubuntis ngayon ng surrogate mother sa Russia.

Sa June 28, 2018 daw ang expected na pa­nga­nganak, pero isa na lang daw ito dahil hindi nabuo ang kambal.

Gusto raw niya talagang magkaroon ng maraming-maraming anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PAK: Grabe pala kung mag-away ang showbiz mom at ang non-showbiz niyang dyowa.

OA raw kasi kung makatutok si showbiz mom sa dyowa na kailangang mag-report sa kanya kung nasaan ito. Kailangan mag-picture at ipadala sa showbiz mom para makita kung sino ang mga kasama ng dyowa niya.

Ang nakakaloka pa raw kapag mag-away silang dalawa, kahit sa harap daw ng ibang tao ay nagmumurahan sila.

Palamura raw si dyowang boylet na walang pakundangan kung murahin si showbiz mom. Kaya lang, palaban din si showbiz mom at nakiki­pagmurahan din ito.

Pero nakikita raw na love na love ni showbiz mom si dyowang boylet kaya sila pa rin hanggang ngayon.

Hindi na raw pinapakikialaman ng mga anak ni showbiz mom ang drama ng dalawa dahil nakikita naman nilang masaya naman sila sa kanilang relasyon.

BOOM: Congratulations kay Rocco Nacino na nag-graduate ng Master of Arts in Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College kahapon.

Kamakailan lang ay nag-post si Rocco na nakapasa siya sa defense niya sa thesis, at ka­ha­pon naman ay hindi raw niya napigilang ma­ging emotional nang makitang masayang-masaya ang mga magulang niya.

“Nothing is sweeter than to see the smiles on my pa­rents’ faces,” pakli ni Rocco nang unang makausap ito ng PEP Alerts Squad.

Sabi pa ni Rocco, “Graduations are for parents, it’s our best way of showing them our gratitude and love by valuing education which will be with us forever.”

Puring-puri si Rocco dito dahil sa gitna ng napaka-hectic niyang schedule na halos araw-araw ang ta­ping sa Haplos, nagagawa pa rin niyang mag-aral at na­kapagtapos na at Cum Laude pa.

Kaya proud din ang GMA 7 at GMA Artist Center sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: