PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ellie napagsama uli sina Jake at Andi!

Napakasuwerte ng 6-year-old daughter ng estranged sweethearts na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann na si Ellie dahil kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay kumpleto pa rin ang pagmamahal sa kanya ng dalawa.

Nakabuti kina Jake at Andi ang pagpa-file ng una ng joint custody ng kanilang anak dahil higit kaninuman, si Ellie ang nagbi-benefit nito.

Wala kaming maipipintas kay Jake na talagang ipinapakita ang kanyang totoo at buong pagmamahal sa anak nila ni Andi.

Hiwalay man ang kanyang mga magulang, sanay na si Ellie sa setup nila.

Damit ng mga lola ipinamimigay sa nangangailangan

Curious lang ako, Salve A. Saan kaya napupunta ang identical dresses and headdresses ng tat­long lolas na sina Lola Tini­dora (Jose Manalo), Lola Nidora (Wally Bayola), at Lola Tidora (Paolo Ballesteros)?

Ayon sa nakausap namin na taga-production ng APT Entertainment, ang mga damit at mga gamit ng tatlong lolas ay nakatago lamang sa production pero may suspetsa kami na baka ipamigay rin nila ito laluna sa mga taong nangangailangan.

Tumagal ng mahigit isang taon ang Kalyeserye ng Eat Bulaga kung saan nagsimula ang pare-parehong damit ng JoWaPao na siyang gumaganap na tatlong lolas. Ngayon naman ay may daily morning talk show ang tatlong lolas sa pamamagitan ng The Lolas’ Beautiful Show na araw-araw ay iba’t ibang damit ang kanilang suot pero magkakapareha.

Maging sa hit movie nilang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies ay pare-parehong damit din ang kasuotan ng tatlong lola.

Dahil nag-hit sa takilya ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, tiyak na may follow-up movie ang JoWaPao in their hit lola characters.

Pinakamaliwanag at pinakamahabang indoor corridor nasa RWM

Ang Lumina: Walkway of Lights na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Resorts World Manila ay isa ngayon sa mga dinarayong lugar in Metro Manila.

Ang Lumina: Walkway of Lights ay binubuo ng 100,000 multi-colored LED bulbs na kung ito’y ilalatag ay aabutin ng sampung kilotmetro ang layo o ang distansya sa pagitan ng RWM at Greenhills. Ito bale ang pinakamaliwanag and longest lighted indoor corridor sa buong bansa.

Ito’y pormal na pinasinayaan noong nakaraang Huwebes ng gabi, Nov. 23 kasabay ang pagsisindi ng giant Christmas tree ng RWM’s Newport Mall.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: