^

PSN Showbiz

Angeline may bagong inspirasyon, Erik Santos burado na sa eksena

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang bagong inspirasyon daw ang nagpapatibok ngayon sa puso ni Angeline Quinto. Ayon sa singer-actress ay talagang masayang-masaya ang kanyang buhay pag-ibig sa kasalukuyan. Matatandaang ang huling lalaking naugnay sa kanya ay si Erik Santos.

“Basta masayang-masaya po ako ngayon. Gusto ko makita rin ng tao na masaya ako, para ma-share ko ‘yung happiness ko rin,” makahulugang bungad ni Angeline.

Gustung-gusto na raw ng nakagisnang ina na si Mama Bob na magkaroon na ng asawa at sariling pamilya ang singer. “Nagulat din po talaga ako noong sinabi ni Mama Bob isang araw. Tapos sabi ko sa kanya, ‘Ang dami ko pang kailangang gawin. Ang dami ko pang trabahong kailangang tapusin. Siguro ‘yung pagpapamilya ay hindi ko muna magagawa ngayon. Kung magawa ko ‘yan ngayon baka bumalik tayo sa Sampaloc, Manila, gusto mo ba ‘yon?’ Siyempre kailangan natin ng kumikitang kabuhayan. Naintindihan niya naman,” nakangiting kuwento ni Angeline.

Samantala, masayang-masaya rin ang dalaga dahil muling nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Coco Martin para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Matatandaang nagkatambal na sa pelikulang Born To Love You ang dalawa noong 2012. “Siyempre naman po kasi isa si Coco sa mga taong napakalaki ng utang na loob ko. Siguro hindi magiging malawak po ‘yung kaalaman ko sa pag-arte kung hindi dahil kay Coco Martin,” pagtatapos ni Angeline.

Jameson alam na mas magaling kaysa kay Ronnie

Sunud-sunod ang mga ginagawang pelikula ni Jameson Blake. Naipalabas sa Cinemalaya Film Festival ang Nabubulok na pinagbidahan ng Hashtags member.

Pagkatapos nito ay naipalabas naman sa Cinema One Originals ang pelikulang Nay. Kalahok din sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan ang Haunted Forest kung saan kabilang si Jameson.

Isa pang bagong pelikula ang ginagawa ngayon ng binata. Nakararamdam na raw ng pressure si Jameson lalo pa’t nanalo siya bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten kamakailan. “Meron na rin kasing nag-i-expect lalo na ‘yung iba kasi nga best supporting actor ka na eh. Siyempre napi-pressure ako. But then, when I get used to it kasi, naku-cool down naman ‘yon eh. ‘Wag mo na lang isipin. You just have to relax talaga. Take a deep breath and then focus lang, ‘yon ‘yung iniisip ko lagi,” nakangiting pahayag ni Jameson.

Marami ang nagkukumpara ngayon kung sino ang mas magaling sa binata at sa kasamahan din sa Hashtags na si Ronnie Alonte dahil kabi-kabila rin ang ginagawang proyekto nito. “Hindi naman sa mas magaling ako kay Ronnie, siguro may strength and stuff like that lang. Siguro may mga strength ako especially ‘pag galit. I don’t judge the person, pero ‘yung mga nakikita ko sa YouTube, ang dami nilang nagsasabi na gano’n nga. It’s flattering of course if someone said na mas magaling ka,” natatawang pahayag ni Jameson.

“It also helps me. If it’s comparing to Ronnie, well that’s another story. It’s up to them naman kung ano ‘yung sinasabi nila. I won’t judge myself na I’m better or anything. But if that what they see then gano’n talaga. Sila naman ‘yung nagde-decide eh. Nothing against him,” pagtatapos niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with