^

PSN Showbiz

Sikat na aktres, ‘di binayaran ang pinakyaw na prutas at gulay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hinding-hindi na makakalimutan pa ng mga kababa­yan nating naninirahan sa isang malayung-malayong probinsiya ang naranasan nila nang upahan ng isang produksiyon ang kanilang bahay para sa ginagawang pelikula ng isang pamosong aktres.

Bulubundukin ang lugar, iilan lang ang bahayan, magkakakilala ang mga tagaroon at napakaganda ng kanilang samahan. Kilalang-kilala nila ang aktres na bumibida sa pelikula, lalo na ang mga wrangler na ngayon, naabutan ng mga ito ang kasikatan ng female personality.

Kuwento ng aming source, “Mabilis na natapos ang shooting nila dahil tahimik ang lugar, hindi na nila kailangan ng crowd control, dahil iilang miron lang naman ang nandu’n sa location.

“Fresh na fresh ang mga kinakain nilang gulay, pati karne, nagpapakatay na lang kasi ng baboy ang production para sa catering ng buong staff nila. Napakalinis na ng hangin, masasarap pa ang mga kinakain nila.

“Masasaya ang production people pagkatapos ng trabaho nila, kasi nga, ang dami-dami nilang nakukunan, walang abala sa work nila. Ganu’n ang gusto nilang lugar, tahimik, walang mga abala,” simulang kuwento ng aming source.

Heto na. Paalis na ang tropa pabalik ng Maynila, datingan nang datingan ang mga gulay at prutas sa bahay na tinitirhan ng bumibidang aktres, akala naman ng mga nandu’n ay regalo lang sa kanya ‘yun ng mga tagaroon.

“Ikinarga na niya ang mga veggies at fruits, halos mapuno ang van na sinasakyan ni ____(pangalan ng bidang aktres sa movie), panalung-panalo dahil puro sariwa ang iuuwi niyang mga pasalubong sa kung sinumang gusto niyang bigyan dahil sobra-sobra ‘yun para sa pangangailangan niya.

“Dahil may isang eksena pang kinukunan, e, umalis muna ang mga farmers, babalik na lang daw sila, tutal, mukhang matatagalan pa ang eksena ng girl. Pero nagkamali ang mga may-ari ng mga produkto.

“Umalis na ang female personality, inorder pala niya ang mga produktong dinala ng mga magsasaka, pero wala naman siyang iniwanang pambayad. In short, tinakbuhan ng babae ang mga magsasakang nagdeliber sa kanya ng mga produkto.

“Nakakatawa, kapag napapanood nila sa TV ang female personality, e, isa lang ang sinasabi nila, ‘yun daw ang artistang hindi nagbayad ng inorder sa kanila!

“Pati ba naman mga farmers? Magkano lang ba naman ang halaga ng mga produktong hindi niya binayaran? Makabubutas ba ‘yun sa bulsa niya? Kailangan pa ba ng milagro para mabayaran lang ang mga magsasaka?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

‘Di turuang mag-basketball, Bimby ginagawang komedyante ni Kris!

Pagdating sa kapakanan ng kanyang mga anak ay sensitibo si Kris Aquino. Pintasan mo na siya nang mula ulo hanggang paa at kaya niyang manahimik pero huwag na huwag mong pipintasan sina Josh at Bimby dahil siguradong magbibigay siya ng reaksiyon.

Nag-viral kasi ang video ni Bimby kung saan ginagaya nito nang plakadung-plakado ang pagsasalita ng kanyang ina. Pati ang kilos ni Kris ay kabisado ng kanyang bunso.

Natural, may mga pumansin kay Bimby, ang insinwasyon ay ginagawang beki ni Kris ang bata dahil pinababayaan nitong gayahin ang kanyang mga kilos at pagsasalita.

Nainis si Kris, ipinagtanggol niya siyempre si Bimby, wala raw alam ang mga bashers sa gustung-gustong ginagawa ng bagets. Talaga raw magaling manggaya ng iba-ibang personalities si Bimby at kasama na siya sa mga ginagaya nito.

Ang punto naman ng mga hindi nagkagusto sa viral video ay bakit kailangan pa kasing ipino-post ni Kris ang mga ganu’n kung saan nahuhusgahan tuloy ang kanyang anak?

Bakit daw hindi na lang i-video si Bimby na naglalaro ng basketball, tutal naman ay meron itong pagmamanahan, star player ng PBA si James Yap.

Kung pagba-basketball ang mapapanood ng publiko na ginagawa ni Bimby ay siguradong walang mang-aalaska sa bata, natural lang ‘yun sa isang batang lalaki, walang manghuhusga sa bunso ni Kris.

“May kakaibang insinuation kasi kapag ang pagsasalita ni Kris ang ginagaya ng anak niya, parang stand-up comedian sa comedy bar ang dating ni Bimby, ‘di ba? E, karamihan pa naman sa mga stand-up comedian, e, beki!

“Parang Vice Ganda, parang Chokoleit, parang Pooh, ‘di ba? Kung ayaw niyang hinuhusgahan ang anak niya, iwasan niyang mag-post ng ganu’n,” may puntong reaksiyon ng kaibigan naming propesor.

Ubos!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with