^

PSN Showbiz

MaIuwi kaya ni Rachel Peters ang korona?

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MaIuwi kaya ni Rachel Peters ang korona?

Rachel Peters

MANILA, Philippines — Mapapanood ang pinakaabangang 66th Miss Universe pageant live mula sa The AXIS at Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada sa Lunes (Nov. 27), 8 AM, sa ABS-CBN.

Handang-handa na nga ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters na makipagtagisan ng ganda at talino sa 90 iba pang naggagandahang mga kandidata mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo para maiuwi ang ikaapat na Miss Universe crown ng bansa.

Agaw eksena na si Rachel sa ginanap na preliminary swimsuit at evening gown competition suot ang kanyang Yamamay swimsuit at eleganteng gold gown.

Ginulat din ni Rachel ang Pinoy pageant fans sa national costume show kung saan rumampa siya sa Sarimanok-inspired costume na likha ni Val Taguba. Ang Sarimanok ay simbolo ng mabuting kapalaran para sa mga Maranao.

Tulad nang inaasahan, todo suporta ang mga Pinoy kay Rachel sa online voting ng Miss Universe. Tuluy-tuloy nga ang kanilang pagboto sa Miss Universe website at walang tigil din ang pag-tweet gamit ang hashtags na #MissUniverse and #Philippines.

Muling nagbabalik si Steve Harvey bilang host kasama si Ashley Graham, habang magsisilbi naman bilang judges sina Ross Matthews, Jay Manuel, Lele Pons, Megan Olivi, Wendy Fitzwilliam, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nakatakda ring magtanghal ang international stars na sina Fergy at Rachel Patten.

Huwag palalampasin ang most beautiful day in the universe at panoorin ang 66th Miss Universe pageant live mula sa Las Vegas ngayong Lunes 8AM sa ABS-CBN. Mapapanood din ang primetime replay nito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa Dec. 3 at Dec 4 sa Lifestyle.

McLisse may pa-extra kilig

Mula sa telebisyon, dadalhin naman nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kilig sa sariling musika sa kanilang paglulunsad ng McLisse album mula sa Star Pop sa grand album launch na magaganap sa SM City North EDSA Skydome ngayong Linggo, 5pm.

Sina Elisse at McCoy na nga ang pinakabagong artists ng Star Pop, ang bagong sublabel ng Star Music para sa mga kabataan, at sila ay magsasama para haranahin ang mga manonood ng kanilang mga nakakalikig na awitin mula sa bagong album.

Kasunod ito ng matagumpay na release ng kanilang bersyon ng kantang If We Fall In Love, na isinulat ni RJ Jimenez at kanilang inilabas noong Hunyo. Ngayon kabilang na ang nasabing single sa kanilang pinaka-inaabangang album.

Mabibili na ang McLisse album sa nasabing show o pwede ring i-download sa digital stores worldwide sa halagang P199.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with